Kwento ng tagumpay ng magkasintahang vlogger, nagsilbing inspirasyon sa netizens

Kwento ng tagumpay ng magkasintahang vlogger, nagsilbing inspirasyon sa netizens

- Marami ang na-inspire sa kwento ng tagumpay ng magkasintahang Viy Cortez at Cong

- Sila ay kasama sa mga pinakasikat na Pinoy vloggers sa bansa sa kasalukuyan

- Ayon kay Viy, nagsisimula pa lamang si Cong sa kanyang career nang maging sila

- Gayunpaman, dahil sa kanilang pagsusuportahan parehas silang naging matagumpay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang napabilib at humanga sa magkasintahang vlogger na sina Viy Cortez at Cong. Ito ay dahil sa kanilang katatagan at pagpupursige na maabot ang kanilang pangarap.

Sa isang tweet na ibinahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho Twitter account, ibinahagi ni Viy na naging magkarelasyon sila ni Cong noong nagsisimula pa lamang ito sa kanyang career sa paggawa ng YouTube content.

Taliwas ito sa mga intrigang naging sila lamang ay dahil may pera si Cong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

Ayon pa kay Viy, si Cong ang nagpursige sa kanyang subukan na rin ang pag vlog. Bukod pa dito, pinahiram siya nito ng pampuhunan na sampung libong piso dahil gustong -gusto niya umano mag-negosyo.

“Nagbebenta ako ng sasakyan nu'ng nag-start si Cong na mag-build ng career. Sabi niya, 'Kung gusto mo mag-vlog, tulungan kita.' So sinubukan ko. Pero gusto ko mag-business. Pinahiram niya ako ng P10,000. Pinalago ko. Alam mo 'yung naghihilahan kami pataas? Ganoon," ani Viy sa isang pahayag na ibinahagi ng KMJS sa Twitter.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa reaksiyon ng mga netizens:

“Hilaan Pataas” it’s indeed a relationship goal for this wonderful couple & now it’s gonna be also for those couple around..God bless u both @HiThisIsViy & @TheCongTV. stay safe & healthy always.
I admire these wonderful couple, they help each other to reach their dreams & they also extend their arms to their family & friends(Team Payaman) to also reach their dreams as well..They are the best example when it comes to relationship, it’s indeed a “relationship goal”.
Flight Attendant na nakilala sa kanyang tiktok videos, natanggal sa trabaho
Eto nalang talaga pinanghahawakan ko dito sa mundong puno ng break ups.
Kwento ng tagumpay ng magkasintahang vlogger, nagsilbing inspirasyon sa netizens

Photo from viycortez/Instagram
Source: Instagram

Sina Cong at Viy ay maituturing na kabilang sa mga pinakasikat at matagumpay na YouTube content creator sa bansa. Lumago din ang negosyo ni Viy na make-up na may pangalang VL.

Sa kabila ng kaliwa't-kanang paghihiwalay at pag-aaway ng mga magkasintahan na nakilala sa vlogging kagaya na lamang nina Makaganda at Makagwapo at China Roces at Tim Sawyer, marami pa rin ang natutuwa na mayroon pa ring nakakapag bigay inspirasyon sa mga netizens.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel