Driver at pasahero kaugnay sa "AirPods" issue, ipapa-lie detector test ni Raffy Tulfo
- Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang viral post tungkol sa pagbabanta sa isang Grab driver na inaakusahang nagnakaw ng AirPods ng pasahero
- Binantaan umano ng nobyo ng pasahero na kung hindi ilalabas ang airpods na sinasabing nasa kotse ng driver ay may di magandang mangyayari sa kanyang pamilya
- Dahil sa nagsalita na rin ang mismong pasahero at sinabing may GPS umano ang AirPods kung saan ang tinuturong lokasyon ay ang kotse
- Minabuti na ni Raffy Tulfo na ipa-lie detector test na ang dalawa upang malaman kung sino sa kanila ang nagsasabi ng katotohanan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagsalita na ang umano'y pasahaero na si "Xian" sa nag-viral na post tungkol sa nawawala niyang AirPods na nauwi sa pagbabanta ng kanyang nobyo sa driver ng sinakyan nitong kotse.
Nalaman ng KAMI na nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang kontrobersiyang ito nang magreklamo na ang driver na si Rommel Abatayo.
Ayon kay Abatayo, pinagbantaan na umano ng nobyo ni Xian na si Ar-R Gapusan ang kanyang pamilya kasabay ng pagbibintang na kinuha niya umano ang AirPods.
Sa salaysay naman ng pasahero, aminado siyang mali na iniwan niya ang gamit nang bumalik sila sa kanilang tahanan dahil naiwan niya umano ang kanyang wallet.
Ngunit nang siya ay sumakay muli, doon niya napansin na wala na ang AirPods na nagkakahalaga ng halos PHP15,000.
Ayon pa kay Xian, sa pamamagitan ng GPS locator ang AirPods na maaring makapagsabi kung nasaan ito at base sa app, naroon pa rin ito sa kotse ni Abatayo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Nang makarating sa destinasyon, hinayaan umano ng driver na maghalughog sa kotse si Xian ngunit dahil hinahabol nito ang oras ng kanyang trabaho, umalis na rin agad siya.
Matapos na marinig ang magkabilang panig lalo na at maging ang ilang mga netizens ay nagsasabing hindi raw maaring magkamali ang locator, iminungkahi na ni Tulfo na ipa-lie detector test ang magkabilang panig.
Sa ganitong paraan, magkakaalaman kung sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo sa dalawa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Kamakailan ay natulungan din ni Tulfo ang isang delivery rider na umano'y nakaranas ng pambabastos ng kanyang customer.
Gayundin ang driver ng truck na binasagan umano ng salamin ng nakaalitan niya sa kalsada. Napag-ayos ni Tulfo ang dalawa sa kanyang programa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh