Nobyo ng pasahero sa "AirPods" issue, inaming wala siyang kaanak na ex-NCRPO chief

Nobyo ng pasahero sa "AirPods" issue, inaming wala siyang kaanak na ex-NCRPO chief

- Lumantad na ang nobyo ng pasahero sa viral post tungkol sa nawawalang "AirPods" sa programa ni Raffy Tulfo

- Humingi na ito ng tawad sa Grab driver na umano'y pinagbintangan nilang kumuha ng AirPods at ang masaklap, pinagbantaan pa ang pamilya nito

- Sa umpisa'y tila hindi kumbinsido ang driver sa paghingi ng tawad ng nobyo ng pasahero at nais pa sanang ituloy ang kaso

- Inamin din ng nagbanta na wala siyang kaanak na dating NCRPO chief at nagawa umano lamang niya ito para takutin ang Grab driver na si Rommel Abatayo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi na ng tawad ang nobyo ng pasahero na si "Xian" sa Grab driver na kanila umanong napagbintangan at pinagbantaan dahil sa nawawalang "AirPods."

Nalaman ng KAMI na lumantad na si Ar-r Gabusan, ang nobyo ni Xian sa Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo upang humingi ng kapatawaran sa kanyang nagawa sa Grab driver.

Read also

Driver sa "AirPods" issue, desididong kasuhan ang nagbanta sa kanyang pamilya

Katwiran niya, nagamit niya ang larawan ng pamilya ng driver sa pagbabanta dahil sa iyon lamang ang larawang maari niyang makuha sa profile nito.

Nobyo ng pasahero sa "AirPods" issue, inaming wala siyang kaanak na ex-NCRPO chief
Raffy Tulfo (Photo credit: @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Sa umpisa, tila hindi kumbinsido ang Grab driver sa paghingi ng tawad ni Ar-r. Nais pa sana niyang ituloy ang pagsasampa ng kaso rito lalo na at idinamay pa umano nito ang kanyang pamilya.

Ngunit nag-presinta na si Ar-r na magpakita ng video sa Wanted sa Radyo para lamang mapatunayan na sinsero ang paghingi niya ng tawad.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Inamin din nito na wala talaga siyang kaanak na dating NCRPO chief at nagawa lang ito para umano takutin si Rommel sa pagbabakasakaling kinuha nga nito ang nawawalang AirPods.

Matapos ang mahabang pagso-sorry at pagpapaliwanag, napagdesisyunan ni Rommel na patawarin na si Ar-r subalit nais pa rin niyang alamin kahit ang totoo manlang na pangalan nito para lang sa seguridad ng kanilang pamilya.

Read also

Driver at pasahero kaugnay sa "AirPods" issue, ipapa-lie detector test ni Raffy Tulfo

Gayunpaman, iginiit pa rin ni Tulfo na ituloy nila ang lie detector test ng parehong panig upang makalinawan kung sino nga ba ang nagsasabi ng katotohanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay natulungan din ni Tulfo ang isang delivery rider na umano'y nakaranas ng pambabastos ng kanyang customer.

Gayundin ang driver ng truck na binasagan umano ng salamin ng nakaalitan niya sa kalsada. Napag-ayos ni Tulfo ang dalawa sa kanyang programa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica