Aktibong kaso ng COVID-cases sa bansa, umabot na sa halos 100,000

Aktibong kaso ng COVID-cases sa bansa, umabot na sa halos 100,000

- Umabot na sa mahigit 8,700 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa sa loob lamang ng isang araw

- Ito na ang pinakamataas na bilang na naitala mula pa nang magsimula ang pandemya

- Sa kasalukuyan, mayroon pa ring 99,891 na mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Nito lamang Marso 23, umabot na sa 8,019 ang naitalang bagong kaso sa loob lamang din ng isang araw

- Mahigit isang linggo na na hindi bumababa sa 4,000 ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa loob lang ng isang araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumalo na sa 8,773 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa ngayong araw, Marso 25.

Ito na sa ngayon ang pinakamataas na bilang na naitala ng Pilipinas sa loob lamang ng isang araw mula pa noong maideklarara ang pandemya sa buong mundo.

Read also

6-anyos na may COVID-19, mag-isang sinundo ng ambulansya para dalhin sa ospital

Ayon sa Department of Health, mayroon na ngayong 693,048 na kabuuang bilang ng lahat ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Aktibong kaso ng COVID-cases sa bansa, umabot na sa halos 100,000
Photo from Pixabay
Source: UGC

Sa bilang na 8,773, 95% sa mga ito ay mild at asymptomatic cases. 0.8 % ang severe, at 0.8 % naman ang nasa kritikal na kondisyon at 4.4% naman ang moderate.

Sa ngayon, mayroon nang kabuuang bilang na na halos 100,000 o 99,891 na aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, mula sa nasa 15,000 na gumaling noong Marso 21, 574 lamang ang mga naitalang naka-recover ngayong araw habang may 56 na mga pumanaw.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Noong Marso 13, nakapagtala ng 5,000 na bagong kaso sa loob ng isang araw. Bago pa ito, 4,578 na mga nagpositibo sa COVID-19 noong Marso 12 at mula noon ay hindi na bumababa sa 4,000 ang mga naitatalang kumpirmadong kaso sa loob ng isang araw at tila patuloy pa ring tumataas.

Read also

Naitalang COVID-19 cases sa Pinas, lampas 8,000 sa loob lang ng isang araw

Dahil dito, patuloy pa rin ang paalala ng Kagawaran ng mga safety protocols tulad nang pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay at disinfection at social distancing.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panibagong mga guidelines na inilabas ng IATF, pinagbawalan na muling lumabas ang may edad 17 pababa at maging ang mga 65-anyos pataas.

Pinaaalala pa rin na huwag na munang pumunta sa matataong lugar kung hindi naman kinakailangan lalo na at tumataas na naman ang bilang ng mga tinatamaan ng nakamamatay na virus.

Kasalukuyan ding tinatawag na "NCR plus" ang Metro Manila at ilang karatig bayan nito kung saan ipinatutupad ang mas istriktong polisiya sa ilalim pa rin ng general community quarantine.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Mga naka-recover sa COVID-19, umabot sa mahigit 15,000 sa loob lang ng isang araw

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, ilang mga showbiz personalities ang 'di mapigilang maglabas ng kani-kanilang saloobin ukol dito.

Sa kabila kasi ng patuloy na pagpapaalala sa publiko ng mga safety protocols, may mga ilan pa rin na lumalabag at posibleng nagiging dahilan ng patuloy na pagdami ng tinatamaan ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica