Mga naka-recover sa COVID-19, umabot sa mahigit 15,000 sa loob lang ng isang araw

Mga naka-recover sa COVID-19, umabot sa mahigit 15,000 sa loob lang ng isang araw

- Naitala ngayong Marso 21 ang bilang ng pinakamataas na recoveries sa loob lang ng isang araw

- Ito na ang maituturing na pinakamataas na bilang ng mga gumaling mula pa noong Nobyembre 2020

- 7,757 pa rin ang bilang ng mga kumpirmadong tinamaan ng virus na labis pa ring nakaaalarma lalo na at dalawang laboratoryo ang di nakapagsumite ng data ayon sa DOH

- Kahapon, Marso 20, naitala ang pinakamataas na bilang ng confirmed cases sa loob lang ng isang araw na umabot ng halos 8,000

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pag-asa ang hatid ng mataas na bilang ng recoveries ngayong araw Marso 21 dahil umabot ito sa bilang na 15,288.

Nalaman ng KAMI na ito na ang pinakamataas na bilang ng naitalang recoveries sa loob lamang ng isang araw mula noong Nobyembre 2020.

Samantala, nakaaalarma pa rin ang bilang ng 7, 757 na mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Maituturing pa ring mataas ito lalo na at dalawang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng data ayon sa Department of Health.

Read also

COVID-19 cases sa Pilipinas, umabot sa halos 8,000 sa loob lang ng isang araw

Mga naka-recover sa COVID-19, umabot sa mahigit 15,000 sa loob lang ng isang araw
Photo from Flickr
Source: UGC

Kahapon, Marso 20, naitala ang pinakamataas na bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa loob ng isang araw na isa na lang at 8,000 na.

Marso 19 naman nang inakalang naitala na ang pinakamataas na bilang na 7,103 sa isang araw mula nang mag-pandemya.

Ayon sa DOH, mayroon na ngayong 663,794 na kabuuang bilang ng lahat ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala, sa bilang na 7,757 ngayong araw, 97.3% sa mga ito ay mild at asymptomatic cases. 1.1 % ang severe, at 1.0 % naman ang nasa kritikal na kondisyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa ngayon, mayroon nang kabuuang bilang na 73,072 na aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kabila ng mataas na recoveries ngayong araw, mayroon pa ring 39 na mga pumanaw.

Noong Marso 13, nakapagtala ng 5,000 na bagong kaso sa loob ng isang araw. Bago pa ito, 4,578 na mga nagpositibo sa COVID-19 noong Marso 12 at mula noon ay hindi na bumababa sa 4,000 ang mga nagitatalang kumpirmadong kaso sa loob ng isang araw.

Read also

75-anyos na Chinese na inatake ng isang lalaki sa Amerika, nanlaban

Dahil dito, patuloy pa rin ang paalala ng Kagawaran ng mga safety protocols tulad nang pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay at disinfection at social distancing.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Pinagbawalan na muling lumabas ang may edad 15 pataas at maging ang mga 65-anyos. Pinaaalala pa rin na huwag na munang pumunta sa matataong lugar kung hindi naman kinakailangan lalo na at tumataas na naman ang bilang ng mga tinatamaan ng nakamamatay na virus.

Kamakailan, nagbabala ang PNP na mahigpit nang ipinagbabawal ang "Public Display of Affection" o PDA ng mga magkasintahan o maging ng mga mag-asawa bilang pag-iingat pa rin sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.

Nagsisimula na ring magsidating ang mga COVID-19 vaccines sa Pilipinas kaya umaasa ang publiko na patuloy nang makaka-recover ang bansa sa krisis na dulot ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica