COVID-19 cases sa Pilipinas, umabot sa halos 8,000 sa loob lang ng isang araw

COVID-19 cases sa Pilipinas, umabot sa halos 8,000 sa loob lang ng isang araw

- Umabot sa 7, 999 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa sa loob lamang ng isang araw

- Ito na ang pinakamataas na bilang na naitala mula pa nang magsimula ang pandemya

- Sa kasalukuyan, mayroon pa ring 80,642 na mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Nito lamang Sabado, Marso 19, inakalang ang bilang na 7,103 ang pinakamataas na naitalang kaso sa loob ng isang araw

- Mula Marso 12, hindi na bumaba sa 4,000 ang mga naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kada araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumalo ng 7,999 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa ngayong araw, Marso 20.

Ito ang pinakamataas na bilang na naitala sa Pilipinas sa loob lamang ng isang araw mula pa noong maideklarara ang pandemya sa buong mundo.

Kahapon, Marso 19, inakalang naitala na ang pinakamataas na bilang na 7,103 sa isang araw mula nang mag-pandemya.

Read also

COVID-19 cases sa bansa, umabot sa lampas 7,000 sa loob lang ng isang araw

COVID-19 cases sa Pilipinas, umabot sa halos 8,000 sa loob lang ng isang araw
COVID-19 test (Photo from Pixabay)
Source: UGC

Ayon sa Department of Health, mayroon na ngayong 656, 056 na kabuuang bilang ng lahat ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa bilang na 7,999, 97.5% sa mga ito ay mild at asymptomatic cases. 1 % ang severe, at 0.9 % naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Sa ngayon, mayroon nang kabuuang bilang na 80,642 na aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, 597 ang mga naitalang naka-recover ngayong araw habang 30 naman ang mga pumanaw.

Noong Marso 13, nakapagtala ng 5,000 na bagong kaso sa loob ng isang araw. Bago pa ito, 4,578 na mga nagpositibo sa COVID-19 noong Marso 12 at mula noon ay hindi na bumababa sa 4,000 ang mga nagitatalang kumpirmadong kaso sa loob ng isang araw.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, patuloy pa rin ang paalala ng Kagawaran ng mga safety protocols tulad nang pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay at disinfection at social distancing.

Read also

Sarah Geronimo, inaming nakabantay ang asawa habang nasa shoot para sa concert

Pinagbawalan na muling lumabas ang may edad 15 pataas at maging ang mga 65-anyos. Pinaaalala pa rin na huwag na munang pumunta sa matataong lugar kung hindi naman kinakailangan lalo na at tumataas na naman ang bilang ng mga tinatamaan ng nakamamatay na virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, nagbabala ang PNP na mahigpit nang ipinagbabawal ang "Public Display of Affection" o PDA ng mga magkasintahan o maging ng mga mag-asawa bilang pag-iingat pa rin sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.

Nagsisimula na ring magsidating ang mga COVID-19 vaccines sa Pilipinas kaya umaasa ang publiko na patuloy nang makaka-recover ang bansa sa krisis na dulot ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica