75-anyos na Chinese na inatake ng isang lalaki sa Amerika, nanlaban
- Lumaban ang 75-anyos na lola sa lalaking umatake na lamang sa kanya sa di malamang kadahilanan
- Ang ginawa ng lola, nakakita ito ng piraso ng kahoy na siyang inihampas din ang lalaking umatake sa kanya
- Kalaunan, ang lalaki pa ang nalagay sa stretcher habang maga naman at mukha lalo na ang mata ng matanda
- Ito na ang ikalawang beses na pananakit ng suspek partikular na sa mga may edad na at pawang mga taga Asya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nanlaban ang 75-anyos na Chinese national na si Xiao Zhen Xie nang bigla na lang siyang atakihin at sapakin sa mukha ng lalaking nakilala na si Steven Jenkins sa San Francisco.
Ayon sa panayam ng CBS News kay Xiao na noo'y kasama na ng kanyang anak, matinding tama ang sinapit nito sa mukha dahilan para hindi na halos makakita ang isang mata nito.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nanakit si Jenkinsa partikular na ng may edad na at pawang mga Asyano pa.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Sa ulat ng CNN, isang 83-anyos na lalaki naman ang unang sinaktan ni Jenkins bago naman niya mapagbalingan si Xiao.
Nagkataon na mayroon piraso ng kahoy si Xiao na siyang naihampas niya umano sa lalaking umatake sa kanya.
Si Jenkins ang nalagay sa stretcher habang ang lola na kanyang sinaktan ay agad namang nabigyan ng ice pack para sa mata niyang agad na noong namaga.
Pareho namang nadala sa ospital ang dalawa upang mabigyan ng karampatang lunas.
Patuloy na iniimbestigahan ang kaso lalo na at lumalala umano ang pag-atake partikular na sa nga Asian-Americans na nasa Estados Unidos.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Matatandaang nito lamang isang linggo, isang 64-anyos na Pinoy ang nalaslasan ng mukha sa New York Subway train. Ang nakalulungkot pa sa kanyang sinapit, wala agad tumulong sa kanya at kinailangan pa niyang makalabas ng tren para makahingi ng tulong.
Noong nakaraang taong 2020, isang pamilyang Pinoy ang nagawang insultuhin umano ng lalaking nakasabay nilang kumain sa isang restaurant.
Napag-alamang isa pa lang CEO ng IT company ang lalaki na nag-resign nang wala sa oras dala ng kahihiyan sa kanyang nagawa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh