CEO ng IT company na namahiya ng pamilyang Pinoy sa California, nag-resign na

CEO ng IT company na namahiya ng pamilyang Pinoy sa California, nag-resign na

- Nagbitiw na sa puwesto ang isang CEO ng IT company na Solid8 matapos ang pamamahiyang nagawa nito sa isang pamilyang Pinoy sa California

- Nauna nang naglabas ng pahayag ang CEO at umamin sa nagawang diskriminasyon sa pamilya

- Humingi na rin siya ng tawad sa kanyang nagawa at alam niyang hindi ito tama at sinabing pagbubutihin daw niya ang kanyang sarili

- Immediate resignation ang ginawa ni Lofthouse na kitang-kita sa nag-viral na video ang inasal sa mga Pilipinong nakasabay sa isang restaurant sa San Francisco

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

CEO ng IT company na namahiya ng pamilyang Pinoy sa California, nag-resign na

Ang dating CEO ng Solid8 na si Michael Lofthouse nang maganap ang insidente sa 'Bernardus' restaurant sa California.
Source: Instagram

Ilang araw matapos ang insidente ng diskriminasyon at pamamahiya ng Amerikanong Michael Lofthouse, nagbitiw na siya sa puwesto bilang CEO ng Tech company na Solid8.

Nalaman ng KAMI na immediate resignation ang inihain nito sa kanyang kompanya matapos na mag-viral ang video ng kinasangkutang gulo.

Ayon sa ulat ng The San Francisco Chronicle, noong nakaraang linggo pa nagbitiw sa mataas na tungkulin si Lofthouse dala marahil ng matinding kahihiyan ng ginawa niyang panghahamak sa pamilya ng Pinoy na si Raymond Orosa.

"I can confirm that I have stepped down from Solid8, terminating all business relationships with immediate effect,” ang napapaloob sa resignation ni Lofthouse.

“I will make it my duty to ensure my personal actions do not continue to have a detrimental impact on those people closest to me,” dagdag pa niya.

Sa viral video na kuha ni Jordan Chan na kaanak di ni Orosa, kitang-kita ang mga ginawa at sinabi ni Lofthouse na pang-iinsulto sa mga Pinoy dahil lamang sa ibaa ang kanilang lahi.

Nakunan din sa video ang ginawang pagtatanggol ng waitress ng restaurant na si Gennica Cochran sa pamilya ni Richard lalo na at nagdiriwang lang naman ito para sa kaarawan ng kanyang misis.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matapang na pinalayas ni Cochran si Lofthouse kahit pa kalahi niya ito dahil sa maling gawing pinakita nito sa kanila ring mga customers.

Laking gulat ni Orosa sa nangyari dahil sa sa loob ng 26 sa San Francisco, California, noon lamang siya nakaranas ng diskriminasyon.

Una nang naglabas ng pahayag si Lofthouse sa paghingi niya ng tawad sa pamilya ni Orosa. Inamin niya ang kanyang pagkakamali at sinabing pagbutbutihin na lamang niya ang kanyang sarili.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel