6-anyos na may COVID-19, mag-isang sinundo ng ambulansya para dalhin sa ospital
- Viral ngayon ang larawan ng isang batang lalaki na sinasabing may COVID-19 at sinundo ng ambulansiya
- Dadalhin umano ang 6-anyos na bata sa ospital upang doon magpagaling kasama ng kanyang ina
- Unang tinamaan ng virus ang kanyang nanay kaya naman nang magpositibo rin siya ay isinama na siya sa kwarto ng ina
- Marami ang nagdarasal sa paggaling ng mag-ina lalo na at hindi biro ang COVID-19 na kasalukuyan pa ring lumalala ang pagkalat sa Pilipinas
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang nadurog ang puso sa larawan ng isang batang lalaki na mag-isang sinundo ng ambulansiya para madala sa ospital.
Nalaman ng KAMI na anim na taong gulang lamang ang bata at tinamaan ito ng COVID-19 kaya naman kinailangan siyang dalhin sa pagamutan.
Dala ang kanyang bag at isang maliit na paper bag, sumama ito sa frontliner mula sa ambulansiya na siyang magdadala sa kanya sa ospital.
Ayon sa post ng fan pag ng Blackpink, una umanong tinamaan ng virus ang ina ng bata.
Nang mahawa ito, dinala na rin ito sa ospital kung saan naka-admit ang kanyang ina.
Sa update ng fan page, sinabing magkasama na sa iisang kwarto ang mag-ina at sabay na nagpapalakas at nagpapagaling mula sa pagkakaron ng virus.
Samantala, maging ang netizens ay labis na naantig ang puso sa mga larawan ng batang ito at wala sila umanong ibang hangad kundi ang paggaling ng mag-ina.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Ito yung mga nakakaawa e, yung mga bata na nasa bahay lang tapos sila yung nahahawa ng mga lumalabas. Pagaling po kayo ng mamamo!"
"Buti magkasama na sila ng mama niya sa ospital. May paghuhugutan sila ng lakas para mas madali silang gumaling"
"Naluha ako noong nakita yung bata na dala ang gamit niya, akala ko kasi totally mag-isa siya... buti kasama niya ang nanay niya"
"Magkasama nga sila ng mommy niya pero sana pareho silang mild or asymptomatic na lang."
"Get well soon sa inyo ng mama mo! Bukod sa mga gamot, samahan ng dasal para mas mapabilis ang pagpapagaling"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Noong Marso 13, nakapagtala ng 5,000 na bagong kaso sa loob ng isang araw. Bago pa ito, 4,578 na mga nagpositibo sa COVID-19 noong Marso 12 at mula noon ay hindi na bumababa sa 4,000 ang mga naitatalang kumpirmadong kaso sa loob ng isang araw.
Dahil dito, patuloy pa rin ang paalala ng Kagawaran ng mga safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay at disinfection at social distancing.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Patuloy at halos hindi mapigilan ang pagtaas ng bilang mga dumadagdag na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Katunayan, ngayong Marso 22 ay lumampas na sa 8,000 ang mga nagpositibo sa naturang virus. Ito sa ngayon ang maituturing na pinakamataas na naitalang bilang ng confirmed cases sa isang araw buhat nang mag-pandemya isang taon na ang nakalilipas.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh