72-anyos na pianist sa mall, halos 2 oras nag-online show para sa kanyang mga gamot

72-anyos na pianist sa mall, halos 2 oras nag-online show para sa kanyang mga gamot

- Nag-viral ang online show ng dating piyanista sa mall na si Vidalito Infante

- Halos dalawang oras siyang tumugtog ng piano at nag-live siya sa kanyang Facebook page

- Sa dami ng mga nagpaabot ng tulong, lumampas na sa limit ng kanyang GCAsh ang mga nagpadala sa kanya

- Kaya agad itong inayos para makapagpadala pa ang iba lalo na at ang malilikom na pera ay para sa kanyang gastusin araw-araw at mga gamot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang online show ni Vidalito Infante o mas kilala bilang si "Lolo Bong."

Nalaman ng KAMI na dating pianist sa isang mall ang 72-anyos na si Lolo Bong. Subalit dahil sa pandemya at limitado lang ang mga taong nagpupunta sa mall, isa siya sa nawalan ng hanapbuhay.

Nitong Marso 14 ng gabi, nag-live sa kanyang Facebook si Lolo Bong para makalikom ng pera pantustos sa kanyang pang-araw araw na pangangailangan at mga gamot.

Read also

Bianca Lapus, humiling ng panalangin para sa kanyang paggaling

72-anyos na pianist sa mall, halos 2 oras nag-online show para sa kanyang mga gamot
Photo from Vidalito Infante
Source: Facebook
"All your kind donations will go directly to my daily needs and maintenance medication," ang bahagi ng kanyang post, kalakip ang mga detalye kung saan maaring magpadala ng tulong ang mga nanonood sa kanya.

Marami ang natuwa at bumilib sa husay ni Lolo Bong na pawang mga Filipino love songs at kundiman ang tinutugtog.

Katunayan, lumampas na sa limit ng kanyang GCash account ang mga nais na magpadala sa kanya kaya naman agad nilang inayos ito.

Kaya noong Marso 15, agad na nag-post ng pasasalamat si Lolo Bong sa lahat ng nagmalasakit na magpadala ng tulong pinansyal sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Umabot sa 32,000 na positive reactions ang kanyang video at may 20,000 shares din ito.

Karamihan din sa mga nagkomento ay mga nakakakilala kay Lolo Bong kung saan napapanood pa umano nila noong tumutugtog pa ito sa mall.

Read also

Sarah Geronimo, inaming nakabantay ang asawa habang nasa shoot para sa concert

Isa raw sa dahilan marahil nang hindi na nito pagtugtog sa pampublikong lugar ay dahil isa na siyang senior citizen na pinagbabawalang lumabas dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kahanga-hanga ang mga tulad ni Lolo Bong na sa kabila ng kanilang eda ay nagsusumikap pa ring matustusan ang mga pangangailangan nila sa araw-araw lalo na ngayong dumaranas pa rin tayo ng pandemya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tulad na lamang ng isang lolo na nag-viral dahil sa matiyaga nitong paglalako ng basahan sa kabila ng hirap nito sa paglalakad.

Masuwerte siya na napansin nina Raffy Tulfo at vlogger na si Basel Manadil na napadalhan siya ng tulong at napatayuan pa siya ng sari-sari store.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica