Bianca Lapus, humiling ng panalangin para sa kanyang paggaling

Bianca Lapus, humiling ng panalangin para sa kanyang paggaling

- Matapos lumabas ang balitang isinugod sa ospital si Bianca Lapus, marami sa mga netizen ang naghayag ng kanilang pag-aalala para sa aktres

- Kasunod nito ay nagpasalamat si Bianca sa mga mensaheng ipinaabot sa kanya sa pamamagitan ng isang Instagram post

- Hiniling din niyang patuloy siyang ipagdasal para malabanan niya at tuluyan na siyang gumaling sa pneumonia at COVID-19

- Inamin niya ring nahihirapan siya sa kanyang kalagayan lalo na ang kanyang kalungkutan at pangungulila sa mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang Instagram post, inamin ni Bianca Lapus na nahihirapan siya sa kanyang kalagayan matapos siyang isugod sa Medical City dahil sa COVID-19 at sa pagkakaroon ng pneumonia.

Dalawang bahagi ng kanyang baga ang tinamaan ng pneumonia kaya humiling siya na ptuloy parin siyang ipagdasal.

Bianca Lapuz, humiling ng panalangin para sa kanyang paggaling
Photo from Bianca Lapus (@biancalapus)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Mariel Padilla, ibinahagi ang kanyang weight loss journey

Sa kabutihang palad, negatibo ang resulta ng mga test na isinagawa sa kanyang mga kasama sa bahay at sa kanyang pamilya.

Isa sa kanyang pinasalamatan ay ang kanyang asawa na nag-aalaga sa kanilang mga anak at ang mga kapatid niyang nagsasalitan sa pagpapadala ng pagkain para sa kanya at sa mga anak niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Binanggit din ni Bianca ang tungkol sa kanyang pag-appreciate niya sa mga frontliners na personal niyang nakita kung gaano ang paghihirap.

Tiniyak niyang lumalaban siya kahit hindi pa stable ang kanyang kalagayan maging ang kanyang emosyon.

Thank You for all the heartfelt messages most of all for being my Prayer Warriors, My whole family's test results are all Negative praise God. But please continue to pray for my battle with COVID-19 and my Pneumonia on both lungs. Sobrang hirap, Ang sakit...dami tests, gamot... nakaka praning, the agony of waiting to recover and hug my children...the sacrifices of my hubby taking care of everyone..my siblings taking turns sending food to me and my kids at home...checking on us each day....the frontliners who work so hard taking care of us...iba pala pag makita mo at maexperience mo ng actual I appreciate them more. I'm still not stable especially emotionally... But I am fighting.

Read also

"It's Showtime" hosts, naiyak matapos mabiktima ng prank ni Vice Ganda

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Bianca Lapus ay isang aktres, host, producer at PR consultant. Nagsimula siya sa showbiz nang mapasama siya sa pelikulang pinamagatang “Hataw Na” noong 1995. Siya ang dating asawa ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.

Kamakailan ay ibinahagi ng kanyang anak ang tungkol sa pagkakasugod sa kanya sa ospital dahil sa COVID-19 at pneumonia.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel