Mariel Padilla, ibinahagi ang kanyang weight loss journey

Mariel Padilla, ibinahagi ang kanyang weight loss journey

- Matapos ang kanyang pag-breastfeed sa anak na si Gabriela Padilla, napagpasyahan na ni Mariel Padilla na simulan ang pagbabawas ng timbang

- Sa kanyang ibinahaging video ay nagsimula siya noong Disyembre ng nakaraang taon na tuluyan nang tumigil sa kanyang pag-breastfeed sa bunsong anak

- Hindi kagaya sa nauna niyang pagpapapayat, tanging ang kanyang disiplina sa sarili ang kanyang maasahan sa ngayon

- Ibinahagi niyang bukod sa pag-eehersisyo ay kumuha siya ng isang dietician na nagbigay sa kanya ng payo sa kanyang dapat kainin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos mapansin ng netizens ang pagpayat ni Mariel Padilla, marami sa mga ito ang humiling sa TV host na kung maari ay magbigay siya ng tips kung paano magpapayat.

Kaya naman sa kanyang panibagong video na ibinahagi sa kanyang YouTube channel, ipinakita ni Mariel ang kanyang naging weight loss journey.

Read also

Toni Fowler, ipapamigay ang dapat sana'y engagement ring para sa kanya

Mariel Padilla, ibinahagi ang kanyang weight loss journey
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa kanyang vlog, nabawasan ng 42 pounds ang kanyang timbang. Aniya ang kanyang timbang bago simulan ang kanyang pagpapayat ay umabot sa 88.8 kilograms na ayon sa kanya ay maituturing niyang pinakamabigat na naging timbang niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil sa kanyang naging dedikasyon bilang ina ay hinayaan muna ni Mariel kahit lumobo siya basta mabigyan niya ng tamang nutrisyon ang anak. Nag-breastfeed siya sa anak na si Gabriela kaya nitong Disyembre lamang niya nasimulang mag diet para bumaba ang kanyang timbang.

Nag-exercise siya at sa tulong ng isang dietician ay natuto siya sa mga tamang pagkain na makakatulong sa kanya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Nancy Castiglione, umalma sa lumabas na isang article tungkol sa kanya

Si Mariel Rodriguez ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel