Nancy Castiglione, binahaging naging mas masaya sa pagbabalik sa Pilipinas

Nancy Castiglione, binahaging naging mas masaya sa pagbabalik sa Pilipinas

- Binahagi ni Nancy Castiglione na walong buwan na simula nang lumipat siya at ng kanyang pamilya sa Pilipinas

- Sampung buwan na raw ang nakakaraan nang lisanin niya ang kanyang trabaho sa corporate job

- Binahagi niya ang mga dahilan kung bakit mas naging masaya ang buhay niya sa kanyang paglipat ng tirahan

- Matatandaang tumira si Nancy at ang kanyang pamilya sa Canada

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Nancy Castiglione ang paglipat nila ng kanyang pamilya sa Pilipinas. Walong buwan na nang nilisan nila ang Canada para manirahan sa Pilipinas.

Nancy Castiglione, binahaging naging mas masaya sa pagbabalik sa Pilipinas
Nancy Castiglione, binahaging naging mas masaya sa pagbabalik sa Pilipinas (@nancycastiglione)
Source: Instagram

Inisa-isa ng dating TV host-actress ang magagandang bagay nagbago sa buhay niya mula nang lumipat sila.

Una dito ay ang klima. Aniya, mas na-eenjoy niya ang araw na aniya ay maganda sa kalusugan. Ang klima daw sa Canada ay nakaapekto sa kanyang kalusugan.

Read also

Kim Chiu at Vic Sotto, kinaaliwan sa kanilang batuhan ng joke sa vlog ni Kim

Ang kaibahan daw sa kultura ay isa din sa dahilan na mas nakapabuti sa kanya dahil sa mga bagong natutunan at karanasan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mas maganda din daw ang lifestyle nila dito. Maging ang kanyang kalusugan ay naging mas maganda dahil sa gulay na sariwa at aniya ay non-GMO.

Mas kaunti din daw ang kanyang stress nang lumipat sila kung ikukumpura noong sa Canada pa sila naninirahan.

Para sa kanya, mas maganda din dito pagdating sa healthcare. Nilinaw niyang pananaw lamang niya iyon dahil aniya dahil libre ang healthcare sa Canada, kailangang maghintay nang matagal sakaling kailangang magpatingin sa espesyalista.

Aniya, nagbabayad man sa pagpapagamot dito sa Pilipinas ay mas mura ito kung ikukumpara sa Amerika. Dagdag pa niya, maging ang mga doktor dito ay magagaling din at may mga nakapag-aral din sa ibang bansa.

Read also

Aljon Mendoza, pinakita ang lalim ng baha sa kanilang lugar sa Macabebe, Pampanga

Para sa kanya, mas mababait din daw ang mga tao dito.

Si Nancy Jane o mas kilala bilang si Nancy Castiglione ay lumaki sa Canada at nagtapos ng kursong Political Science. Nanganak siya ng kambal na pinangalanang Mateo at Joaquin.

Taong 2000 nang bumisita si Nancy sa Pinas sa kanyang mga kamag-anak. Ito ang naging daan para makapasok siya sa showbiz. Nadiscover siya ng isang talent scout at naging commercial model.

Kahit matagal na siyang hindi aktibo sa showbiz, marami pa rin sa kanyang mga tagahanga ang umaasang magbabalik-showbiz siyang muli..

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate