Aljon Mendoza, pinakita ang lalim ng baha sa kanilang lugar sa Macabebe, Pampanga

Aljon Mendoza, pinakita ang lalim ng baha sa kanilang lugar sa Macabebe, Pampanga

- Minabuti ni Aljon Mendoza na gamitin ang kanyang social media platform para udyukin ang lokal na pamahalaan para mabigyan ng solusyon ang problema ng pagbaha

- Sa kanyang YouTube channel ay binahagi niya ang dokyumentaryo tungkol sa dinaranas na pagbaha sa kanilang lugar sa Macabebe, Pampanga

- Ang mismong bahay kung saan nag-house tour si Aljon noong 2021 ay inabot din ng baha

- Nilibot ni Aljon ang kanilang lugar upang makita ang kalagayan ng kanilang mga kalugar

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Aljon Mendoza ang problema nila sa pagbabaha sa kanilang lugar sa Macabebe, Pampanga. Aniya, gusto niyang gamitin ang kanyang boses para magawan ng paraan ng pamahalaan ang problemang ito bago pa mabura ang bayan na kanyang kinalakihan.

Aljon Mendoza, pinakita ang lalim ng baha sa kanilang lugar sa Macabebe, Pampanga
Aljon Mendoza, pinakita ang lalim ng baha sa kanilang lugar sa Macabebe, Pampanga Aljon Mendoza/YouTube
Source: Youtube

Hindi din nakaligtas ang mismong bahay nila na nauna na rin niyang naibahagi noon sa kanyang house tour noong taong 2021.

Read also

TVJ at Legit Dabarkads, kinagiliwan nang kumasa sa 'Touch my body' dance challenge

Hindi pa naman daw nakapasok sa loob ng kanilang bahay ang tubig pero aniya ay konti na lang at maabot na rin ng tubig baha ang loob ng kanilang bahay.

Nitong Hulyo at Agosto nitong taon ay dumaan ang dalawang bagyo at Pampanga ang isa sa mga lugar na lubhang naapektuhan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naibahagi niyang hindi na bago sa kanila ang baha dahil aniya ay halos anim na buwan daw kung bahain sila sa isang taon.

Nilibot ni Aljon ang bahay-bahay sa kanilang lugar para makita an g kalagayan ng kanyang mga kalugar.

Si Aljon Mendoza ay nakilala bilang isa sa mga Pinoy Big Brother housemates sa Pinoy Big Brother: Otso. Sya ay nakabilang sa Star Dreamers nang Teens Batch 1. Kasabayan niya sina Josh Worsley, Art Guma, Seth Fedelin, Jelay Pilones, Karina Bautista, Lie Reposposa at Kaori Oinuma.. "Tinagurian siyang Ang Shy Charmer ng Pampanga".

Read also

Vice Ganda, napatili nang ilabas ang birthday cake ni Ogie Alcasid: "Aaayy! May Icing"

Matatandaang naging usap-usapan ang pag-iyak ni Karina Bautista at pagiging malapit nito sa kapwa PBB housemate na si Aljun Mendoza sa PBB:Otso. Sa ilang episodes ng Pinoy Big Brother Otso ay kapansin-pansin ang pagiging malapit nila sa isa't-isa. Dahil dito ay na bash si Karina sa social media dahil may boyfriend ito.

Nang makalabas na ng bahay ay nilinaw ni Karina ang bali-balitang naligaw sa kanya si Aljon. Nang maging guest siya sa “Tonight With Boy Abunda” ay minabuti niyang linawin ang tungkol dito. Binahagi niya ang dahilan ng kanyang ksagutan tungkol sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel