Vice Ganda, napatili nang ilabas ang birthday cake ni Ogie Alcasid: "Aaayy! May Icing"

Vice Ganda, napatili nang ilabas ang birthday cake ni Ogie Alcasid: "Aaayy! May Icing"

- Napatili si Vice Ganda nang makita ang birthday cake ni Ogie Alcasid sa birthday celebration nito sa It's Showtime

- Pabiro itong lumayo at sinabihan si Ion na umalis na lang daw sila muna at huwag na daw sila sumali

- Natawa naman ang kanilang mga co-hosts habang maririnig ang isa sa kanilang guests na si Michael V na kilala bilang isa sa malapit na kaibigan ni Ogie

- Matatandaang naging kontrobersiyal ang pagkain nila ni Ion ng cake habang nasa isang segment ng It's Showtime

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agad lumayo si Vice Ganda nang makita ang birthday cake ni Ogie Alcasid. Napatili pa ito at sinabing umalis na muna sila ni Ion Perez.

Vice Ganda, napatili nang ilabas ang birthday cake ni Ogie Alcasid: "Aaayy! May Icing"
Vice Ganda, napatili nang ilabas ang birthday cake ni Ogie Alcasid: "Aaayy! May Icing" (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sa episode ng It's Showtime ngayong Sabado ay pinagdiwang nila ang kaarawan ni Ogie Alcasid. Sa kanyang production number ay nakasama ni Ogie ang malalapit na kaibigang sina Manilyn Reynes at Michael V.

Read also

It's Showtime hosts, magkakasamang nagbakasyon sa Hong Kong

Nang ilabas na nila ang birthday cake para makapag-blow na ng kanyang candle si Ogie, biglang napatili si Vice at lumayo sa cake.

Aayy! May icing!

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Natawa naman ang kanilang mga co-hosts habang maririnig si Michael V sa sinasabihan si Vice na kumalma.

Hirit pa ni Vice, huwag na daw sila sumali ni Ion.

Ion labas tayo muna.

Sagot naman ni Ogie, hindi naman nila kakainin yung icing.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Ogie Diaz sa pagkakakulong ni Jay Sonza: "Tanggapin ang kapalaran, magsisi at magbago"

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel