Vice Ganda, sinabak ang mga co-hosts niya sa "bad dog challenge"

Vice Ganda, sinabak ang mga co-hosts niya sa "bad dog challenge"

- Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel

- Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host

- Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo

- May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hinamon ni Vice Ganda ang ilan sa kanyang mga kasamahan sa It's Showtime na gawin ang kanyang challenge gamit ang laruang bad dog. Kinaaliwan ng kanyang viewers ang mga reaksiyon nina Ryan Bang, Ion Prez, Kim Chiu, Jacky Gonzaga at Angeline Quinto.

Vice Ganda, hinamon ang mga co-host sa kanyang "bad dog challenge"
Vice Ganda, hinamon ang mga co-host sa kanyang "bad dog challenge" (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

.May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya. Walang nagtagumpay na magawa ang kanyang challenge ngunit marami ang naaliw sa mga reaksiyon ng kasamahan ni Vice:

Read also

Vice Ganda, hindi nagpatinag sa pang-iintriga sa kanila ni Ion Perez

Super laugh trip meme grabe gulat na gulat si Kim love it.
Nakakatawa na nakakagulat ang ginawang challenge ni Meme Vice.....pati nga rin ako nagugulat , kahit hindi ako yung naglalaro

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang sakit Ng tyaka ko kakatawa sa reaction nila aysss Ang kyut nila

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Kamakailan ay pinasalamatan si Vice Ganda ng isa sa mga Miss Q&A contestant matapos ang nagawa nitong pagkakamali. Pinuntahan umano siya ni Vice sa dressing room para i-comfort dahil sa kanyang mga nabanggit na salita sa kanyang introduction na bawal sabihin lalo na sa telebisyon. Agad siyang pinagsabihan ni Vice matapos ang kanyang pagsasalita lalo at iba naman umano ang sinabi nito sa kanilang rehearsal. Katwiran ng contestant, dinagdag lamang umano niya ngunit humingi din siya kaagad ng dispensa.

Read also

Ion Perez, pinasaringan ang taong wala raw magandang lumalabas sa bibig

Samantala, sa pagpanaw ni Cherie Gil, muling binalikan ng netizens ang madamdaming paghingi niya ng dispensa kay Vice Ganda. Naganap ito sa It's Showtime kung saan si Cherie ang isa sa mga naging hurado sa mga performance ng It's Showtime hosts. Kaugnay ito sa naging tweet ni Cherie kay Vice kaugnay sa paraan ng pagpapatawa nito sa kanyang naging concert na "I-Vice Ganda mo ako sa Araneta." Sa naturang video ay pinasalamatan ni Cherie si Vice dahil sa kanyang pagbibigay ng pagkakataon na makilala niya ang totoong ugali ni Vice.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel