Ion Perez, pinasaringan ang taong wala raw magandang lumalabas sa bibig

Ion Perez, pinasaringan ang taong wala raw magandang lumalabas sa bibig

- Binahagi ni Ion Perez ang isang TikTok video kung saan nagsalita siya tungkol sa aniya'y taong halos wala nang boses

- Gayunpaman, wala umanong matino at magandang salita na lumalabas sa bibig nito

- Wala siyang binanggit na pangalan ngunit natawa na lamang siya sa bandang dulong bahagi ng TikTok video na kanyang na-post

- Marami naman sa mga followers niya sa social media ang nagpahayag ng kanilang suporta sa TV host

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasaringan ni Ion Perez ang isang taong aniya ay halos wala nang boses. Gayunpaman, sa kabila ng kalagayan nito ay wala pa umanong matino at magandang salitang lumalabas sa bibig nito.

Ion Perez, pinasaringan ang taong wala raw magandang lumalabas sa bibig
Ion Perez, pinasaringan ang taong wala raw magandang lumalabas sa bibig (@pereziion27)
Source: Instagram

Walang taong pinangalanan si Ion ngunit mismong kanyang mga followers na nagbigay ng kanilang suporta sa kanya ang nag-name drop ng kanilang mga hula kung sino ang tinutukoy ni Ion.

Read also

Antonette Gail, sinugod sa ospital dahil sa pagkakaroon ng bartholin cyst

Tumabo na sa mahigit kalahating milyon ang views ng naturang TikTok video ni Ion na talaga namang ikinaintriga ng mga netizens. Bukod kasi sa palabiro si Ion ay bihira itong pumatol sa mga bashers niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Benigno Dungo Perez o mas kilala sa kanyang screen name na Ion Perez ay isang aktor, model, at TV host. Una siyang sumikat sa bansag na Kuya Escort sa Miss Q and A segment ng It's Showtime. Sa kasakuluyan ay isa siya sa mga regular host ng It's Showtime.

Binahagi ni Ion ang kanyang pamamahagi ng biyaya sa kanyang mga kalugar sa Tarlac. Sa kanyang binahaging video ay umuwi siya sa kanilang lugar at namahagi ng bigas sa 50 na tao mula sa kanilang lugar. Nagpakain din siya ng lugaw at sandwich sa ilan sa mga tao sa kanilang lugar bilang bahagi ng kanyang feeding program. Marami ang humanga sa kanya dahil sa kabila ng kanyang kasikatan ay hindi nito nakakalimutang magbahagi ng biyaya.

Read also

Amo ni Jovelyn Galleno, binahagi ang kwento noong araw na nawala ang dalaga

Pinakita din ni Ion ang kanilang naging biyahe papuntang Amerika kamakailan. Ito ay para sa series of concert ni Vice Ganda sa Amerika na pinamagatang "Fully Vicenated." Makikita sa video ang kanilang naging paghahanda bago ang kanilang flights hanggang sa makarating sila sa Los Angeles. Matatandaang sa mga naunang mga concert ni Vice Ganda ay nakasama niya na rin si Ion.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel