Vice Ganda, hindi nagpatinag sa pang-iintriga sa kanila ni Ion Perez

Vice Ganda, hindi nagpatinag sa pang-iintriga sa kanila ni Ion Perez

- Naghayag si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion Perez na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon

- Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya

- Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niyaumano ito

- Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-comment si Vice Ganda sa pinakabagong post ni Ion Perez habang nasa bakasyon ito sa Japan. Ito ay sa gitna ng pang-iintriga sa kanilang relasyon nitong mga nakaraang araw.

Vice Ganda, na-miss na umano si Ion Perez: "Super miss you babe!"
Vice Ganda, na-miss na umano si Ion Perez: "Super miss you babe!" (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sa komento ni Vice, sinabi niyang dalawang araw na lang ang hihintayin nila. Aniya, na-miss niya na ang kanyang babe.

Read also

Ion Perez, pinasaringan ang taong wala raw magandang lumalabas sa bibig

Nitong mga nakaraang araw ay nagkaroon ng usap-usapan matapos ang mga naging pahayag ni Cristy Fermin kamakailan sa kanyang show.

Vice Ganda, hindi nagpatinag sa pang-iintriga sa kanila ni Ion Perez
Vice Ganda, hindi nagpatinag sa pang-iintriga sa kanila ni Ion Perez (@pereziion27)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Kamakailan ay pinasalamatan si Vice Ganda ng isa sa mga Miss Q&A contestant matapos ang nagawa nitong pagkakamali. Pinuntahan umano siya ni Vice sa dressing room para i-comfort dahil sa kanyang mga nabanggit na salita sa kanyang introduction na bawal sabihin lalo na sa telebisyon. Agad siyang pinagsabihan ni Vice matapos ang kanyang pagsasalita lalo at iba naman umano ang sinabi nito sa kanilang rehearsal. Katwiran ng contestant, dinagdag lamang umano niya ngunit humingi din siya kaagad ng dispensa.

Read also

Herlene Nicole Budol, isinama si Karen Davila sa house tour ng bago niyang bahay

Samantala, sa pagpanaw ni Cherie Gil, muling binalikan ng netizens ang madamdaming paghingi niya ng dispensa kay Vice Ganda. Naganap ito sa It's Showtime kung saan si Cherie ang isa sa mga naging hurado sa mga performance ng It's Showtime hosts. Kaugnay ito sa naging tweet ni Cherie kay Vice kaugnay sa paraan ng pagpapatawa nito sa kanyang naging concert na "I-Vice Ganda mo ako sa Araneta." Sa naturang video ay pinasalamatan ni Cherie si Vice dahil sa kanyang pagbibigay ng pagkakataon na makilala niya ang totoong ugali ni Vice.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel