Herlene Nicole Budol, isinama si Karen Davila sa house tour ng bago niyang bahay

Herlene Nicole Budol, isinama si Karen Davila sa house tour ng bago niyang bahay

- Ipinakita ni Herlene Budol ang bagong bahay niya kay Karen Davila

- Matatandaang una niya siyang nakapanayam sa lumang bahay pa nila na malayo ang itsura sa titirhan nila ngayon

- Ayon kay Herlene, marami rin siyang pinagdaanan bago makamit ang lahat ng tinatamasang biyaya

- Kaya labis siyang nagpapasalamat na nakamit naman niya ang lahat ng ito na bunga ng kanyang mga sakripisyo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa muling pagkikita nina Herlene Nicole Budol at Karen Davila, ipinakita na ng beauty ang bago niyang bahay.

Herlene Budol, ipinakita kay Karen Davila ang loob ng bago niyang bahay
Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ang umano'y regalo kay Herlene ng manager niyang si Wilbert Tolentino.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinasilip ni Herlene ang loob ng kanyang tahanan na malayo ang itsura sa dati nilang bahay kung saan unang ginanap ang interview sa kanya ni Karen.

Read also

Sylvia Sanchez, sinabing nakahanap ng katapat sina Maine at asawa niya sa isa't-isa

"Ang layo ng itsura na'to kumpara sa bahay ng mga magulang mo, ng lolo't lola mo na gusto mong ipaayos," ani Karen.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mapapansing wala pang gaanong gamit ang bahya ni Herlene kung saan kasama pa rin niya ang kanyang buong pamilya.

May mga bahagi rin siyang ipagagawa para na rin mas komportable ang kanyang pinakamamahal na lolo na nag-aruga sa kanya.

Sayang nga raw at hindi na nahintay ng kanya lola ang mga biyayang ito dahil sa pagpanaw nito sa kasagsagan ng pagsabak nya sa Binibining Pilipinas.

Ang lahat ng biyayang ito, maging ang pagkamit niya ng college diploma at ang pagiging 1st runner-up niya sa Binibining Pilipinas ay bunga umano ng matitinding pagsasakripisyo matapos siyang subukin ng pandemya kung saan inamin niyang Naranasan muli nilang makaramdam ng walang-wala.

Read also

Smokey Manaloto, isa nang ganap na ama sa edad niyang 51

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Aminado si Herlene na nabago ang kanyang buhay nang maging manager si Wilbert Tolentino.

Malaki ang naitulong nito sa paghahanda ni Herlene sa pagsali Binibining Pilipinas 2022.

Hindi naman sila nabigo at nagbunga ang kanilang mga pagsasakripisyo nang mahakot ni Herlene ang karamihan ng special awards at ang pagiging 1st runner-up.

Isa rin sa mga nakamit na tagumpay ni 'Hipon Girl' kamakailan ay nang magtapos na siya sa kolehiyo sa kursong Tourism Management.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel