Sylvia Sanchez, sinabing nakahanap ng katapat sina Maine at asawa niya sa isa't-isa

Sylvia Sanchez, sinabing nakahanap ng katapat sina Maine at asawa niya sa isa't-isa

- Binahagi nI Sylvia Sanchez ang ilang picture kung saan makikita ang kanyang asawang si Art Atayde at ang kanyang future daughter-in-law na si Maine Mendoza

- Aniya, laging nagbubullyhan pagnagkikita sina Maine at ang kanyang mister at natutuwa siyang pagmasdan ang biruan nila

- Ayon pa sa kanya, nakahanap ng katapat sina Maine at si Art sa isa't-isa na nagiging dahilan ng kanilang walang humpay na tawanan

- Matatandaang kamakailan lang ay nag-propose na si Arjo Atayde kay Maine at inihayag ng pamilya ni Aljur ang kanilang kasiyahan para sa dalawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aliw na aliw si Sylvia Sanchez sa aniya'y pagbu-bullyhan ng kanyang future daughter-in-law na si Maine Mendoza at ng mister niyang si Art Atayde. Ayon pa sa kanya, nakahanap ng katapat sina Maine at si Art sa isa't-isa na nagiging dahilan ng kanilang walang humpay na tawanan.

Sylvia Sanchez, sinabing nakahanap ng katapat sina Maine at asawa niya sa isa't-isa
Sylvia Sanchez, sinabing nakahanap ng katapat sina Maine at asawa niya sa isa't-isa (@mainedcm)
Source: Instagram

Sa kanyang post ay makikita ang pictures nina Maine at ng kanyang Tito Art na todo ngiti at tila nagbibiruan. Marami naman ang natuwa sa pagiging malapit ni Maine sa kanyang future in-laws.

Haha… ang sarap ng gnyang klaseng relationship yung masaya lang mas maaappreciate mo ang buhay. Walang drama. Walang tinik. Sarap makakita ng ganitong post. Congrats po!
Cute! mukhang close sila!

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Patingin po ng bulihan ng magbiyanan! Ahahaha

Si Arjo Atayde ay aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye kagaya ng Hanggang Kailan, The General’s Daughter, at sa iWant original series na Bagman kung saan nakasungkit siya ng maraming acting awards. Anak siya ng beteranang aktres na si Sylvia Sanches at kapatid ni Ria Atayde.

Sa isang panayam ng broadcaster na si Julius Babao sa aktor na si Arjo naitanong sa kanya kung napag-uusapan na nila ni Maine ang tungkol sa pagpapakasal. Inamin ni Arjo na napag-uusapan na nilang magkasintahan ang tungkol sa bagay na ito lalo at nasa tamang gulang naman na sila at masaya sila sa isa't-isa. Ayon pa kay Arjo, umaasa siyang sila na ang magkakatuluyan ng TV host/actress at aniya ay sana hanggang sa kanilang pagtanda. Muli niya ding nabanggit kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

Nauna nang naibalita ng KAMI na engaged na si Maine sa kanyang boyfriend na si Arjo. Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Maine ang ilang pictures nila ni Arjo. Kapansin-pansin din ang kanyang suot na singsing na makikita sa apat na litratong kanyang binahagi. Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa hindi lang mula sa kanilang fans kundi maging mula sa kasamahan nila sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel