Smokey Manaloto, isa nang ganap na ama sa edad niyang 51

Smokey Manaloto, isa nang ganap na ama sa edad niyang 51

- Binahagi ni Smokey Manaloto ang balita tungkol sa kanyang pagiging ama sa edad na 51

- Sa kanyang video na binahagi sa social media, nabanggit niya na akala niya ay huli na para sa kanya na magkaanak

- Aniya, Disyembre noong nakaraang taon nang malaman nila ang tunkol sa pagdadalangtao ng kanyang partner

- Ayon sa kanyang post, nitong ika-4 ng Agosto 2022 nanganak ang kanyang partner

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Smokey Manaloto, inakala niyang huli na para sa kanya na magkaroon ng anak. Sinasabihan din umano siyang wala na siyang pag-asa at huli na siya sa biyahe.

Smokey Manaloto, isa nang ganap na ama sa edad niyang 51
Smokey Manaloto, isa nang ganap na ama sa edad niyang 51 (www.facebook.com/brian.manaloto.7)
Source: Facebook

Sa isang post, naibahagi niya ang balita tungkol sa kanyang pagiging ama. Binahagi niya ang video kung saan makikita ang pregnancy journey ng partner niya mula noong Disyembre ng nakaraang taon nang malaman nila ang tungkol sa pagbubuntis nito.

Makikita din sa video ang kanilang pagpunta sa ospital at pagkasilang ng anak niya nito lamang August 4, 2022. Hindinaman maitago sa kanyang mga picture ang kanyang kasiyahan na maging isang ganap na ama sa kanyang edad na 51 taong gulang.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Smokey Manaloto ay nakilala bilang isang mahusay na komedyante. Naging bahagi siya ng Kapamilya sitcom na Home Along Da Riles. Naging bahagi din siya ng iba pang pelikula kagaya ng Magic Kombat (1995), Ang Probinsyano (2015) and Super Mouse and the Roborats (1989). Kasalukuyang napapanuod siya bilang isa sa cast ng 2 Good 2 be True.

Samantala, kabilang si Cong. Rowena Guanzon sa mga aminadong nanonood ng naturang serye. Sinabi niyang isa siyang fan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa kanyang tweet ay naihayag niya ang kanyang pagkainip na maipalabas ang mga episode ng naturang serye dahil aniya ay nakakabitin.

Isa pang cast ng naturang serye ang nag-viral. Sa TikTok video ni Bianca De Vera, hindi nito napigilang maiyak habang nasa loob ng kanyang sasakyan. Pinakita niyang kasalukuyang tino-tow ang sasakyan niya habang kumukuha siya ng video dahil umano sa kanyang parking violation. Gayunpaman, kinawindang ng netizens ang isa sa kanyang naging sentimyento na umabot sa puntong naging emosyonal siya. Hindi umano natapos ang kanyang pagpaparebond kaya hindi pantay ang kanyang buhok.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel