Bianca De Vera, hindi mapigilang maiyak habang nakasakay sa na-tow na sasakyan

Bianca De Vera, hindi mapigilang maiyak habang nakasakay sa na-tow na sasakyan

- Sa TikTok video ni Bianca De Vera, hindi nito napigilang maiyak habang nasa loob ng kanyang sasakyan

- Pinakita niyang kasalukuyang tino-tow ang sasakyan niya habang kumukuha siya ng video dahil umano sa kanyang parking violation

- Gayunpaman, kinawindang ng netizens ang isa sa kanyang naging sintimyento na umabot sa puntong naging emosyonal siya

- Hindi umano natapos ang kanyang pagpaparebond kaya hindi pantay ang kanyang buhok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Trending si Bianca De Vera sa social media matapos mag-viral ang kanyang TikTok video kung saan hindi nito napigilang maiyak habang nasa loob ng kanyang sasakyan na tino-tow. Gayunpaman, kinawindang ng netizens ang isa sa kanyang naging sentimyento na umabot sa puntong naging emosyonal siya.

Bianca De Vera (@biancadeveraa)
Bianca De Vera (@biancadeveraa)
Source: Instagram

Ayon sa “2 Good 2 Be True” cast, na-tow ang kanyang kotse dahil sa kanyang violation at pinakita pa nito ang dokumento na nagsasaad ng kanyang naging paglabag.

Read also

Kim Chiu, napa-head stand matapos pakitaan ni Jhong Hilario ng matinding "sample"

“Hi, guys! So currently, as you can see, umaandar ‘yung kotse ko kahit hindi ako nag-da-drive — kasi na-tow ‘yung kotse ko. Ayan, guys. Violation daw kasi parang mali ‘yung pinag-parking-an ko,” aniya.

Umani ng mga komento ang isa sa kanyang naging sintimyento na umabot sa puntong naging emosyonal siya. Hindi umano natapos ang kanyang pagpaparebond kaya hindi pantay ang kanyang buhok.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Sa ‘kin lang, sana pinatapos nila ako ipa-rebond ‘yung buhok ko, ‘di ba? Hindi pantay ‘yung buhok ko, guys.Sabi ko kay kuya, ‘Kuya, puwede ba kahit five minutes lang, kailangan lang ipantay ni ate ‘yung buhok ko.’ Pero, guys, hindi siya pantay!”

Si Bianca De Vera ay isang Pinay actress at isa ding TikTok content creator. Taong 2021 nang mapasama si Bianca sa Star Magic at Rise Artists Studio. Kabilang siya sa mga cast ng seryeng "2 Good 2 Be True" na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Read also

Zeinab Harake, pinanindigang hindi na umano siya marupok

Kamakailan ay hindi nakadalo sa ASAP si Kathryn Bernardo matapos ang pagkakaroon niya ng lagnat at pananakit ng lalamunan. Hindi umano siya masyadong makapagsalita dahil sa sakit ng kanyang lalamunan. Sa isang post ay inihingi ni Kathryn ng paumahin sa kanyang fans na hindi siya nakapunta sa ASAP.

Samantala, sa isang post ni Kathryn kung saan binahagi niya ang kanyang picture, hindi napigilan ni Daniel na magkomento. Buong pagmamalaki nitong sinabi na "baby" niya si Kathryn. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanilang 10th anniversary ang magkasintahan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel