Kim Chiu, napa-head stand matapos pakitaan ni Jhong Hilario ng matinding "sample"

Kim Chiu, napa-head stand matapos pakitaan ni Jhong Hilario ng matinding "sample"

- Napa-head stand si Kim Chiu sa It's Showtime matapos siyang pasayawin ng kanyang mga co-hosts

- Si Jhong Hilario na tinaguriang "sample king" ang nauna at talaga namang lahat ang kanyang co-hosts ay bumilib sa walang kupas na husay ni Jhong sa pagsasayaw

- Kinawindang ng kanyang mga kasamahan ang pagtangka nitong mag-head stand dahil nasubsob ng kaunti ang kanyang ulo

- Agad naman siyang inalalayan ng kanyang mga co-hosts sa pagtayo matapos ang kanyang performance

Hindi nagpahuli si Kim Chiu sa sayawan matapos magpakita ni Jhong Hilario ng pangmalakasang sample sa dance floor. Kinawindang ng kanyang mga kasamahan ang pagtangka nitong mag-head stand dahil nasubsob ng kaunti ang kanyang ulo.

Kim Chiu (@chinitaprincess)
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Sa kabila ng kanyang head stand, maging si Kim ay tawang-tawa sa kanyang ginawa. Biniro siya ng kanyan mga co-hosts. Napatanong si Ogie Alcasid kung ano daw ba ang gustong gawin ni Kim. Hirit naman ni Jhong, mahirap daw pala i-beso ang dance floor.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad din naman siyang inalalayan ng kanyang mga co-hosts sa pagtayo matapos ang kanyang performance.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Head stand ala @prinsesachinita A for effort
Ginagawa mo, @prinsesachinita? Hahaha! Hindi kita kinaya
Need ng tulong, Girl? haha

Samantala, sa Twitter, binahagi ni Kim ang screenshot ng pag tumbling ni Jhong. Iyon daw sana ang gagawin niya.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Matatandaang ibinahagi ni Kim kamakailan ang kanyang natanggap na bulaklak at sulat para sa kanyang kaarawan na mula kay Vice President Leni Robredo. Hindi maitago ni Kim ang kanyang tuwa sa natanggap niyang regalo mula kay VP Robredo.

Matatandaang isa lamang si Kim sa mga artistang nagpasyang sumuporta sa kandidatura ni VP Leni. Kamakailan ay dumalo siya sa mismong rally. Naging usap-usapan ang eksena sa backstage matapos mapaluhod ni Kim.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel