Arjo Atayde, ibinahaging napag-uusapan na nila ni Maine Mendoza ang tungkol sa kasal

Arjo Atayde, ibinahaging napag-uusapan na nila ni Maine Mendoza ang tungkol sa kasal

- Sa isang panayam ng broadcaster na si Julius Babao sa aktor na si Arjo Atayde, naitanong sa kanya kung napag-uusapan na nila ni Maine Mendoza ang tungkol sa pagpapakasal

- Inamin ni Arjo na napag-uusapan na nilang magkasintahan ang tungkol sa bagay na ito lalo at nasa tamang gulang naman na sila at masaya sila sa isa't-isa

- Ayon pa kay Arjo, umaasa siyang sila na ang magkakatuluyan ng TV host/actress at aniya ay sana hanggang sa kanilang pagtanda

- Muli niya ding nabanggit kung gaano nila kamahal ang isa't-isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi ipinagkaila ni Arjo Atayde na napag-uusapan na nila ng kanyang girlfriend na si Maine Mendoza ang usaping pagpapakasal. Ito ay kanyang ibinahagi sa isang panayam ng broadcaster na si Julius Babao.

Arjo Atayde, ibinahaging napag-uusapan na nila ni Maine Mendoza ang tungkol sa kasal
Arjo Atayde (@arjoatayde)
Source: Instagram

Nabanggit niya ring na nasa tamang edad na siya at parehas silang masaya sa isa't-isa. Aniya, sana ay hanggang sa kanilang pagtanda na.

Read also

Bea Alonzo, ibinahaging marami pa siyang gustong gawin kaya matagal pa ikakasal

“Of course, napag-uusapan yan. I’m at the right age, we’re not getting any younger and we’re both very happy, hopefully until we get old,. Ito na po ‘yon, I think so.”

Diretsahan ding sinabi ni Arjo na sa tingin niya ay natagpuan niya na ang kanyang soulmate.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinida niya rin ang kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

“I’m overwhelmed with the way I love her and she loves me back. It’s a different understanding,”

Si Arjo Atayde ay aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye kagaya ng Hanggang Kailan, The General’s Daughter, at sa iWant original series na Bagman kung saan nakasungkit siya ng maraming acting awards. Anak siya ng beteranang aktres na si Sylvia Sanches at kapatid ni Ria Atayde.

Read also

Gigi de Lana, nais tuparin ang lahat ng pangarap ng kanyang ina para sa kanya

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbati ni Arjo sa kanyang kasintahang si Maine Mendoza. Nauna na ring sinabi ni Arjo na binago ni Maine ang kanyang ugali at buhay.

Nais ipaalala ng KAMI na anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malaya tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita dahil maari itong panagutan sa batas. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel