Oyo Boy Sotto, ibinida ang kagandahan ng kanyang asawang si Kristine Hermosa

Oyo Boy Sotto, ibinida ang kagandahan ng kanyang asawang si Kristine Hermosa

- Ibinida ni Oyo Boy Sotto ang kagandahan ng kanyang asawang si Kristine Hermosa sa Instagram

- Sa kanyang post, binahagi niya ang ilang picture ng kanyang maybahay kalakip ang caption na "so gorgeous"

- Marami sa mga netizens at showbiz personality ang sumang-ayon kay Oyo pagdating sa pagpuri nito sa kagandahan ng asawa

- May mga kinilig din sa ginawang ito ni Oyo na hindi naman na bago dahil madalas niyang binabahagi ang kanyang paghanga kay Kristine

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakilig ni Oyo Boy Sotto ang ilang netizens sa kanyang post kung saan ibinida niya ang walang kupas na kagandahan ng misis niyang si Kristine Hermosa. Sa kanyang post, binahagi niya ang ilang picture ng kanyang maybahay kalakip ang caption na "so gorgeous".

Oyo Boy Sotto, ibinida ang kagandahan ng kanyang asawang si Kristine Hermosa
Oyo Boy Sotto, ibinida ang kagandahan ng kanyang asawang si Kristine Hermosa (@osotto)
Source: Instagram

Marami sa mga netizens at showbiz personality ang sumang-ayon kay Oyo pagdating sa pagpuri nito sa kagandahan ng asawa. Kabilang sina Ara Mina at Ciara Sotto sa sumang-ayon kay Oyo.

Samantala narito ang ilan sa komento ng netizens:

Kristine is the most beautiful Pinoy actress in the last decade generation and this generation talaga.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

My mom once saw her s noontime show ni willie s channel 2 and i remembered she told me na sya ang pinakamagandang babae na nakita nia.
For me, Siya pa rin Ang pinakamagandang artista. Walang kupas.

Si Kristine Hermosa ay pangalawa sa apat na magkakapatid. Ang apelyidong kanyang ginagamit ay Hermosa na mula sa kanyang ina. Ikinasal siya kay Diether Ocampo noong September 21, 2004 ngunit hindi ito gaanong tumagal matapos itong ma-annul noong January 30, 2009. Muli siyang ikinasal kay Oyo Boy Sotto noong January 12, 2011 at nabiyayaan ng limang anak.

Kamakailan ay ipinaalam ni Kristine ang tungkol sa isang Facebook account na gumagamit sa kanyang pangalan at litrato. Ipinagbigay-alam niya ito sa mga netizens upang magsilbing babala. Samantala, ibinahagi din kamakailan ni Kristine ang pagiging maalaga ni Oyo sa kanilang bunsong anak.

Hindi napigilang maging emosyonal ni Kristine sa isang panayam sa kanya ni Boy Abunda. Ang pagiging ina umano niya ay naging daan upang maapreciate niya ang iba pang mga kagaya niyang ilaw ng tahanan. Aniya, hindi niya pinagsisihang mas pinili niyang unahin ang kanyang pamilya kesa sa pag-aartista. Nagiging madali umano ang kanyang pagiging ina dahil mahal niya ang kanyang ginagawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel