Ogie Diaz sa pagkakakulong ni Jay Sonza: "Tanggapin ang kapalaran, magsisi at magbago"

Ogie Diaz sa pagkakakulong ni Jay Sonza: "Tanggapin ang kapalaran, magsisi at magbago"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz patungkol sa umano'y pagkakakulong ni Jay Sonza

- Nauna na niyang nai-post sa kanyang social media na naaawa siya sa mga anak ni Jay sa sinapit nito

- Matatandaang minsan nang nabansagan si Jay na nagpapakalat 'di umano ng fake news

- Isa si Ogie Diaz sa madalas nitong mabiktima ng panlalait at aminado si Ogie na minsan din niya itong nasasagot

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz at mga kasama sa kanyang Showbiz Update channel ay ang tungkol sa pagkakakulong ng dating broadcaster na si Jay Sonza.

Ogie Diaz sa pagkakakulong ni Jay Sonza: "Tanggapin ang kapalaran, magsisi at magbago"
Ogie Diaz
Source: Facebook

Ani Ogie, sa kabila umano ng panlalait nito sa kanya nakaramdam pa rin siya ng awa lalo na sa mga anak nito.

Gayunpaman, pinaalalahanan niya si Jay na sana'y maisip pa rin na magbago at magnilay ngayong nakakulong ito.

Read also

Madam Inutz, inalala ang pagkakataong na-KMJS siya: "2 years na"

"Sana nga habang nasa loob ay maraming ma-realize si Mr. Jay Sonza. Tanggapin ang kapalaran, magsisi at magbago dahil hindi pa naman huli ang lahat," ani Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasalukuyang nakakulong si Jay Sonza sa Quezon City jail sa Payatas dahil sa kasong estafa at large scale illegal recruitment. Patungo sana sa Hong Kong si Jay noong Hulyo 18 nang maharang na siya ng mga awtoridad at hindi na natuloy ang kanyang pag-alis.

Si Jay Sonza ay dating broadcaster at talk show host. Mas nakilala siya sa progamang 'Mel and Jay' kung saan nakasama niya ang respetadong newscaster na si Mel Tiangco.

Samantala, sa isa rin umanong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, nabanggit ni Ogie ang umano'y yaman ng mag-asawang Arjo Atayde at Maine Mendoza bago pa man sila ikasal. Ito ay matapos na maging kontrobersyal ang trip ni Arjo sa Switzerland na wala umanong koneksyon sa kanyang serbisyo bilang kongresista.

Read also

Carlo Aquino kay Charlie Dizon: "Pinag-uusapan namin ‘yung future namin together"

Minsan ding napag-usapan sa Showbiz Update channel ni Ogie ang tungkol sa umano'y hiling ng netizens na sana'y gawing reality show ang buhay ng pamilya nina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Marami raw kasi ang talagang naaaliw sa kanilang pamilya lalo na sa kanilang mga anak na nakikipagsabayan na rin ng kakulitan at pagiging natural na komedyante sa kanilang mga magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel