Madam Inutz, inalala ang pagkakataong na-KMJS siya: "2 years na"

Madam Inutz, inalala ang pagkakataong na-KMJS siya: "2 years na"

- Inalala ni Madam Inutz ang pagkakataong na-feature siya sa Kapuso Mo, Jessica Soho

- Matatandaang ilang araw matapos siyang mag-viral dahil sa kanyang 'burol' outfit sa online selling, na-KMJS na siya

- Mula noon, sunod-sunod na ang naging proyekto ni Madam Inutz at isa na nga rito ang Pinoy Big Brother

- Doon, mas nakilala siya ng tao at nabigyan din ng pagkakataong makasama pa sa ilang programa sa telebisyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalala ni Madam Inutz ang pagkakataong na-feature siya sa Kapuso Mo, Jessica Soho dalawang taon na ang nakalilipas.

Madam Inutz, inalala ang pagkakataong na-KMJS siya: "2 years na"
Daisy Lopez (Madam Inutz)
Source: Facebook

Matatandaang napakabilis ng pagkakilala kay Madam Inutz na nagsimula bilang isang online seller.

Sa kanyang Facebook post ngayong Agosto 14, ibinahagi niya ang link nang siya ay maging panauhin sa nasabing programa sa GMA.

Read also

Wally Bayola, humingi ng dispensa sa pagmumura: "Nagkamali po ako dun"

"2 years na mam Kapuso Mo, Jessica Soho" ang caption niya sa noo'y tila teaser ng programa na siya ang matutunghayan sa susunod na episode nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa comments section ng naturang post, marami ang nagsabing isa sila umano sa nakapanood ng naturang live selling noon ni Madam Inutz kung saan siya nag-viral at hindi na napigilan ang pagsikat.

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay napansin sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 15,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Sa kabila nito, minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng kanyang pagsisikap lalong lalo na ang pagmamahal niya sa kanyang ina at pamilya. Matatandaang naging bahagi siya ng reality show na Pinoy Big Brother at nang makalabas sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Read also

Carlo Aquino kay Charlie Dizon: "Pinag-uusapan namin ‘yung future namin together"

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan. Mapapanood pa rin ang kanyang live selling sa kanyang social media pages at talagang marami pa rin ang tumatangkilik at nagbibigay suporta kay Madam Inutz hanggang ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel