Carlo Aquino kay Charlie Dizon: "Pinag-uusapan namin ‘yung future namin together"

Carlo Aquino kay Charlie Dizon: "Pinag-uusapan namin ‘yung future namin together"

- Nagbigay pahayag si Carlo Aquino sa umano'y relasyon nila ng co-star na si Charlie Dizon

- Ayon kay Carlo, napag-uusapan na umano nila ang kanilang future na magkasama

- Matatandaang kamakailan lang nasabi rin ni Charlie sa isang interview kung gaano siya umano kasaya sa piling ni Carlo

- Magkasama ngayong pelikulang 'Third World Romance' sina Charlie at Carlo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napapag-usapan na raw umano nina Carlo Aquino at Charlie Dizon ang kanilang future na magkasama.

Carlo Aquino kay Charlie Dizon: "Pinag-uusapan namin ‘yung future namin together"
Carlo Aquino at Charlie Dizon (Carlo Aquino)
Source: Facebook

Sa presscon ng kanilang proyekto na Third World Romance, Nasabi ni Carlo ang tungkol sa kanilang relasyon ni Charlie na naging usap-usapan noong 2022 pa lamang.

“Pinag-uusapan namin ‘yung future namin together, na magkasama kami. Magkakapamilya,” ani Carlo.

"'Di ba? Kasi bakit pa kami umabot sa ganito, 'di ba? Kahit sino naman, 'yun ang goal kaya ka nakikipagrelasyon. Para may makasama ka," dagdag pa niya.

Read also

Pura Luka Vega, idineklara na ring 'persona non grata' sa Maynila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang sa isa ring interview kay Charlie, nasabi rin ng aktres na masaya siya sa piling ni Carlo.

Narito ang kabuuan ng kanilang naging mga pahayag mula sa media conference ng kanilang pelikula na naibahagi ng Blacksheep YouTube channel:

Si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay unang nakilala bilang isang child star. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Lalo na ang naging kanyang famous lines sa pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?” kung saan nakasama niya ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Matatandaang inalmahan ni Barbie Imperial ang pandadawit sa kanya sa paghihiwalay nina Carlo at Trina Candaza. Sa kanyang YouTube video kung saan nagbasa at nag-react siya sa mga mean comments sa kanya, isang netizen ang nagsabing siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dating magkarelasyon. Nilinaw ni Barbie na hindi siya ang dahilan lalo at naghiwalay umano sila noong nakaraang taon at ngayong taon lang sila nagkatrabaho ni Carlo. Nagkasama sina Barbie at Carlo sa pelikulang "I Love Lizzy" na bahagi ng 30th anniversary ng Star Magic.

Read also

Melai Francisco, tinawag na 'Asia's comedy Queen' ng kanyang Momshie Reg

Namataan si Carlo kasama ang si Charlie sa isang restaurant sa La Union. Sa isang Facebook post ng Halo Halo de iLoko sa La Union, makikita ang picture ng dalawa. Matatandaang nauna na ring nagbahagi ng picture si Charlie ng picture kung saan kasama niya si Carlo habang kasama ang mga kaibigan ng aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel