Barbie Imperial, pinabulaanang siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Carlo Aquino at Trina Candaza

Barbie Imperial, pinabulaanang siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Carlo Aquino at Trina Candaza

- Inalmahan ni Barbie Imperial ang pandadawit sa kanya sa paghihiwalay nina Carlo Aquino at Trina Candaza

- Sa kanyang YouTube video kung saan nagbasa at nag-react siya sa mga mean comments sa kanya, isang netizen ang nagsabing siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dating magkarelasyon

- Nilinaw ni Barbie na hindi siya ang dahilan lalo at naghiwalay umano sila noong nakaraang taon at ngayong taon lang sila nagkatrabaho ni Carlo

- Nagkasama sina Barbie at Carlo sa pelikulang "I Love Lizzy" na bahagi ng 30th anniversary ng Star Magic

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinabulaanan ni Barbie Imperial ang espikulasyong siya umano ang dahilan ng paghihiwalay nina Carlo Aquino at Trina Candaza. Sa kanyang YouTube video kung saan nagbasa at nag-react siya sa mga mean comments sa kanya, isang netizen ang nagsabing siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dating magkarelasyon.

Read also

Barbie Imperial sa nagsabing winner si AJ Raval sa puso ni Diego Loyzaga: "Ako ang jinowa"

Barbie Imperial, pinabulaanang siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Carlo Aquino at Trina Candaza
Barbie Imperial, pinabulaanang siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Carlo Aquino at Trina Candaza (@msbarbieimperial)
Source: Instagram

Paglilinaw ni Barbie, nagyoang taon lang sila nagkatrabaho ni Carlo sa pelikulang "I Love Lizzy" na bahagi ng 30th anniversary ng Star Magic. Aniya, noong nakaraang taon pa naghiwalay sina Carlo at Trina.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakilala si Barbie Imperial matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: 737 kung saan nakilala siya bilang "The Doll along the Riles of Albay." Pinsan siya nina Michelle at Marco Gumabao. Matatandaang naging viral ang pag-amin ni Barbie tungkol sa relasyon nila ni Diego Loyzaga noong 2021 na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Samantala, ayon kay Barbie, bati na sila ng kontrobersiyal na social media personality na si Xian Gaza. Ito ay dahil sa umano'y panonood ni Xian sa kanyang kauna-unahang vlog episode na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Kabilang si Xian sa mga lalaking tinanong kay Barbie kung "jojowain o totropahin" niya at sinabi niyang totropahin lang si Xian dahil lagi niya itong inaaway. Matatandaang nag-viral ang reaction video ni Xian sa naturang vlog ni Barbie kung saan hindi nito maitago ang kanyang kilig.

Kamakailan ay sinorpresa ni Barbie ang ilang food delivery riders sa pamamagitan ng pagkaing siya mismo ang nag-order. Sa kanyang bagong vlog, pinakita niya ang mga naging reaksiyon ng drivers nang malaman nilang para pala sa kanila ang mga pagkaing dapat ay i-dedeliver nila. Ayon kay Barbie, dahil marami siyang natatanggap na biyaya ay naisipan nila ng kanyang team na magbahagi din ng biyaya. Isa sa mga riders na kanyang nabigyan ay bahagyang naging emosyonal dahil hindi pa daw siya nakaranas na mabigyan kagaya sa ginawa ni Barbie.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel