Barbie Imperial, sinabing bati na sila ni Xian Gaza dahil sa pagpanood nito ng vlog niya

Barbie Imperial, sinabing bati na sila ni Xian Gaza dahil sa pagpanood nito ng vlog niya

- Ayon kay Barbie Imperial, bati na sila ng kontrobersiyal na social media personality na si Xian Gaza

- Ito ay dahil sa umano'y panonood ni Xian sa kanyang kauna-unahang vlog episode na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel

- Kabilang si Xian sa mga lalaking tinanong kay Barbie kung "jojowain o totropahin" niya at sinabi niyang totropahin lang si Xian dahil lagi niya itong inaaway

- Matatandaang nag-viral ang reaction video ni Xian sa naturang vlog ni Barbie kung saan hindi nito maitago ang kanyang kilig

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binahagi ni Barbie Imperial ang viral na reaction video ni Xian Gaza sa kanyang Facebook post at sinabi niyang bati na umano sila ni Xian. Ito ay dahil pinanood ni Xian ang kanyang unang vlog.

Barbie Imperial, sinabing bati na sila ni Xian Gaza dahil sa pagpanood nito ng vlog niya
Barbie Imperial (@msbarbieimperial)
Source: Instagram

Matatandaang sa vlog ni Barbie ay sinabi niyang totropahin niya lang si Xian. Ito ay dahil lagi umano siyang inaaway nito. Kahit umano mga kaibigan niya lang ay iniisyu ni Xian. Dagdag pa ni Barbie, kung hindi siya inaaway ni Xian ay pwede niya itong jowain.

Read also

Rocky Salumbides, binahagi ang kanyang bagong karelasyon

Sa reaction video ni Xian ay hindi nito mapigilang matawa at kiligin sa mga pahayag ni Barbie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon naman kay Xian, nagpapansin lamang umano siya kay Barbie at sinabi din nitong nais niyang maging parte ng buhay niya si Barbie.

Barbie Imperial, ang totoong dahilan kung bakit palagi kitang ini-issue at tsinitsismis kasi gusto ko maging parte ka ng buhay ko at iyon ang nakita kong paraan upang mapansin mo ako. I'm sorry for everything. I hope we can start a new chapter.

Nakilala si Barbie Imperial matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: 737 kung saan nakilala siya bilang "The Doll along the Riles of Albay." Pinsan siya nina Michelle at Marco Gumabao.

Matatandaang naging viral ang pag-amin ni Barbie tungkol sa relasyon nila ni Diego Loyzaga noong 2021 na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Naging usap-usapan din ang pagkumpirma ni Barbie tungkol sa hiwalayan nila ni Diego matapos ang mahigit isang taon nilang relasyon. Ito ay matapos ng ilang linggong espekulasyon ng di-umano’y paghihiwalay nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel