Rocky Salumbides, binahagi ang kanyang bagong karelasyon

Rocky Salumbides, binahagi ang kanyang bagong karelasyon

- Binahagi ni Rocky Salumbides ang bagong relationship status niya sa kanyang Facebook post nitong Lunes, June 7, 2022

- Maging sa kanyang Instagram account ay kasama niya na s kanyang profile picture ang bago niyang karelasyon

- Sa kanyang profile picture ay binahagi niya ang larawan nila ng bago nitong karelasyon na si Pia Pilapil na anak ng aktres na si Pilar Pilapil

- Sa kasalukuyan ay parehong tahimik sina Eula at Rocky kaugnay sa paghihiwalay nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-post si Rocky Salumbides ng kanyang bagong relationship status sa kanyang Facebook account. Maging sa kanyang Instagram account ay kasama niya na sa kanyang profile picture ang bago niyang karelasyon.

Rocky Salumbides, binahagi ang kanyang bagong karelasyon
Eula Valdez at Rocky Salumbides (@eulavaldes)
Source: Instagram

Si Pia Pilapil na anak ng aktres na si Pilar Pilapil ang bago nitong karelasyon. Base naman sa kani-kanilang social media accounts, wala nang masyadong pictures na magkasama sina Eula at Rocky kaya hindi malinaw kung kailan sila naghiwalay. Gayunpaman, naroroon pa rin ang ilang lumang pictures nila sa IG ni Eula.

Read also

Ina ng bagong BF ni Brenda Mage, suportado ang relasyon ng anak sa komedyante

Sa kasalukuyan ay parehong tahimik sina Eula at Rocky kaugnay sa paghihiwalay nila. Marami naman ang bumati at naghayag ng kanilang kasiyahan para kay Rocky.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Wow! Super happy for you guys papa Rocky! Rocky Liwanag Salumbides & Pia Pilapil♥️♥️♥️ sending hugs!
I’m so happy for you dong! Sending love to both of you..Love you.
Congratulations you two! Beautiful couple

Si Rocky Salumbides ay isang modelo na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Nagkakilala sila ni Eula Valdez nang magkasama sila sa isang music video. Matatandaang maagang lumabas sa PBB si Rocky dahil nais niyang makasama si Eula sa pagdiriwang nito ng kaarawan niya at nais niya rin umanong makasama ito sa pagdiriwang ng Pasko.

Matatandaang nagkahialay sila taong 2016 ngunit isang buwan lamang umano silang nagkahiwalay. Ito ay matapos mapag-isip-isip ni Eula na ayaw niyang mawalay kay Rocky. Sa isang panayam naman kay Rocky ay sinabi nito na nasa plano niya ang pakasalan si Eula.

Sa kanilang 12 taong agwat sa kanilang edad, marami ang humanga sa relasyong Eula at Rocky. Hindi naman malinaw kung kailan sila nagkahiwalay. Narito ang ilan pang mga Pinay showbiz personalities na may karelasyon na mas bata sa kanila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel