Kuya Jobert, binahagi ang insidenteng muntik na niyang tapusin ang sarili niyang buhay
- Nagbalik tanaw si Kuya Jobert sa taong 2014 kung saan muntik na siyang tumalon sa 6 na palapag na gusali
- Aminado rin si Kuya Jobert na mnsan siyang nalulong sa ipinagbabawal na gamot dahil sa matinding kalungkutan
- Ngayon, maayos na ang career ng komedyante na mainstay na sa ilang sircom sa ABS-CBN
Malungkot na binalikan ni Jobert Austria o mas kilala bilang si Kuya Jobert ang isang insidente kung saan muntik na siyang mag-suicide.
Nalaman ng KAMI na nasa ikaamin na palapag na siya noon ng isang gusali, habang may ilang mga tao nang tila nakaabang sa kanyang pagtalon.
"Wala silang ibang sinigaw kung hindi, 'Tumalon ka na diyan,'" emosyonal na kinuwento ni kuya Jobert sa panayam sa kanya sa Tonight with Boy Abunda
"Wala akong narinig na, 'Huwag mo gawin iyan.' Ang sinigaw nila sa akin, 'Dalian mo, kanina pa kami rito ha.' ...Akala nila nagpapatawa ka pa rin," dagdag pa niya.
Labis talaga ang kalungkutan niya noong taon na yun, 2014 kung saan pakiramdam niya siya ay nag-iisa lalo na at ang girlfriend niya ay nakatira sa Canada.
Dahil dito, aminado si Kuya Jobert na siya ay na-depress at kalaunan ay nalulong sa ipinagbabawal na gamot.
"Nakatikim ako ng droga, sinubukan ko. Nasarapan ka, naging bisyo ko na," dumating pa raw sa punto na naging paranoid siya na inakala niyang may papatay sa kanya kahit wala naman talaga.
"Hindi ko alam na nandoon na ako. Umakyat ako kasi feeling ko hinahabol ako. Pagdating ko doon sa billboard, ang nakita ko na lang iyong mga tao sumisigaw sa akin," kwento pa ng komedyante.
Laking pasalamat na lamang ni Kuya Jobert sa mga kasamahan niya sa showbiz na nagmalasakit sa kanya lalo na si Eric Nicholas.
Narito ang video ng panayam kay Kuya Jobert na nakuha ng KAMI sa youtube.
Matinding dakripisyo rin ang ginawa ng kanyang pamilya at girlfriend na sobrang na-appreciate niya iyon nang pumasok na siya sa rehab.
Mapapanood ang komedyanteng si Kuya Jobert sa Banana Sundae at Home Sweetie Home.
Dati na rin siyang naging bahagi ng FPJ's Ang Probinsyano.
Did you know in The Philippines 58% of incidents of harassment happen on the streets and major roads?
Social Experiment: Is Manila Safe at Night for Women in 2018? | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh