Tuloy ang kaso! Sekyu na nagpanggap na pulis, hindi na raw mahagilap
-Hindi na raw mahagilap ang security guard na nagpanggap na pulis sa isang viral video ayon sa nanay nito
-Sabi ng kapitan ng barangay na siyang humahawak sa reklamo, hindi na raw sumipot ang sekyu sa kanilang paghaharap ng mga nagreklamong vendors
-Isang video rin ang ipinakita ng kapitan kung saan makikitang lumuhod pa ang sekyu sa vendor na inangasan at pinagbantaan nito
-Desidido naman ang magkapatid na vendor na ituloy ang kaso laban sa sekyu
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Hindi na raw mahagilap si Rex Baltisoto, ang security guard na nagpanggap na pulis sa isang viral video, ayon sa nanay nito, batay sa latest update ng Wanted sa Radyo.
Sabi ng chairwoman ng barangay na siyang humahawak sa reklamo laban sa sekyu, hindi na rin sumipot sa paghaharap nila ng mga nagrereklamong vendors si Baltisoto.
Ayon sa nanay nito, natakot na raw humarap ang anak dahil sa dami ng pagbabantang natatanggap nito magmula nang magviral ang video nito sa social media.
Isang video rin ang ipinakita ng kapitan kung saan makikitang lumuhod si Baltisoto sa harap ng inangasang vendor.
Samantala, humarap naman kay Raffy Tulfo ang magkapatid na vendors na sina Arnold at Gerome Malate upang magbigay ng kanilang salaysay.
Ayon sa dalawa, nagalit si Baltisoto dahil sa kulang na tuhog ng paninda nilang chicken skin.
Ganunpaman, maayos naman daw nilang sinabi na pumili na lamang ito ng iba dahil mayroon talagang natatanggal mula sa stick.
Ngunit hindi umano ito nagustuhan ni Baltisoto at nagsimula nang magwala.
Binantaan pa raw na babarilin nito si Arnold at sinabing babalikan sila.
Sinabi rin ng mga ito na may tinawagan ito sa cellphone at sinabing puntahan ito sa kanilang kinaroroonan.
Dahil dito, natakot ang mga ito at hindi na raw nakapagtinda pa.
Sa isa pang report ng , nagbigay na rin ng pahayag si Baltisoto sa GMA News at ibinigay ang kanyang panig.
Humingi ito ng patawad at nakiusap na ayusin na lamang ang gusot para sa kanyang mga anak.
Ganunpaman, desidido pa rin ang magkapatid na Malate na ituloy ang kaso laban kay Baltisoto.
Nangako naman ng tulong si idol Raffy para sa mga ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh