Barbie Imperial sa nagsabing winner si AJ Raval sa puso ni Diego Loyzaga: "Ako ang jinowa"

Barbie Imperial sa nagsabing winner si AJ Raval sa puso ni Diego Loyzaga: "Ako ang jinowa"

- Nilinaw ni Barbie Imperial na bati na sila ni AJ Raval matapos ang pagkakasangkot ni AJ sa isyu kaugnay sa relasyon nila ni Diego noon

- Sa bagong vlog niya kung saan nagbasa siya ng mean comments, isang netizen ang nagsabing wagi si AJ sa puso ni Diego

- Hirit naman ni Barbie, siya ang girlfriend kaya tanong niya ay paanong naging winner iyon

- Matatandaang naging usap-usapan noon ang pagsasalita ni Barbie laban kay AJ matapos nitong maugnay kay Diego

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinabi ni Barbie Imperial na nagkausap at bati na sila ni AJ Raval. Gayunpaman, sinagot nito ang komento ng isang netizen kung saan sinabi nito na winner umano sa puso ni Diego Loyzaga si AJ Raval.

Barbie Imperial sa nagsabing winner si AJ Raval sa puso ni Diego Loyzaga: "Ako ang jinowa"
Barbie Imperial sa nagsabing winner si AJ Raval sa puso ni Diego Loyzaga: "Ako ang jinowa" (@msbarbieimperial)
Source: Instagram

Hirit naman ni Barbie, siya ang girlfriend kaya tanong niya ay paanong naging winner iyon. Gayunpaman, natatawa din si Barbie nang sabihin niyang siya naman ang iniwan.

Read also

Barbie Imperial, pinabulaanang siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Carlo Aquino at Trina Candaza

Matatandaang naging usap-usapan noon ang pagsasalita ni Barbie laban kay AJ matapos nitong maugnay kay Diego. Nag-ugat ang isyu nang magpost si Xian Gaza ng pag-uugnay kay Diego at AJ na nagkatrabaho na rin.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakilala si Barbie Imperial matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: 737 kung saan nakilala siya bilang "The Doll along the Riles of Albay." Pinsan siya nina Michelle at Marco Gumabao. Matatandaang naging viral ang pag-amin ni Barbie tungkol sa relasyon nila ni Diego Loyzaga noong 2021 na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Samantala, ayon kay Barbie, bati na sila ng kontrobersiyal na social media personality na si Xian Gaza. Ito ay dahil sa umano'y panonood ni Xian sa kanyang kauna-unahang vlog episode na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Kabilang si Xian sa mga lalaking tinanong kay Barbie kung "jojowain o totropahin" niya at sinabi niyang totropahin lang si Xian dahil lagi niya itong inaaway. Matatandaang nag-viral ang reaction video ni Xian sa naturang vlog ni Barbie kung saan hindi nito maitago ang kanyang kilig.

Read also

Barbie Imperial sa pumuna sa pananamit niya: "Wala kang pakialam kung anong gusto kong suotin"

Kamakailan ay sinorpresa ni Barbie ang ilang food delivery riders sa pamamagitan ng pagkaing siya mismo ang nag-order. Sa kanyang bagong vlog, pinakita niya ang mga naging reaksiyon ng drivers nang malaman nilang para pala sa kanila ang mga pagkaing dapat ay i-dedeliver nila. Ayon kay Barbie, dahil marami siyang natatanggap na biyaya ay naisipan nila ng kanyang team na magbahagi din ng biyaya. Isa sa mga riders na kanyang nabigyan ay bahagyang naging emosyonal dahil hindi pa daw siya nakaranas na mabigyan kagaya sa ginawa ni Barbie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel