Barbie Imperial sa pumuna sa pananamit niya: "Wala kang pakialam kung anong gusto kong suotin"

Barbie Imperial sa pumuna sa pananamit niya: "Wala kang pakialam kung anong gusto kong suotin"

- Sinagot ni Barbie Imperial ang ilang mean comments sa kanya ng mga netizens at isa na dito ay ang tungkol sa pananamit niya

- Isang netizen ang nagsabing kaya binabastos si Barbie dahil sa pananamit nito sa kanyang mga post

- Ani Barbie, hindi dahilan ang pananamit para bastusin ang isang babae dahil hindi naman daw ang pananamit niya ang nagde-define ng pagkatao niya

- Mayroon din namang nagtanggol sa aktres kaugnay sa victim blaming dahil sa pananamit ni Barbie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Barbie Imperial, hindi dahilan ang pananamit ng isang babae para bastusin. Ito ang kanyang sagot sa mean comment sa kanya ng isang netizen na nagsasabing tila ginusto din ni Barbie na mabastos dahil sa pananamit niya.

Barbie Imperial sa pumuna sa pananamit niya: "Wala kang pakialam kung anong gusto kong suotin"
Barbie Imperial sa pumuna sa pananamit niya: "Wala kang pakialam kung anong gusto kong suotin" (@msbarbieimperial)
Source: Instagram

Sa kanyang pinakabagong YouTube video, nagbasa si Barbie ng mga mean comments sa kanya habang kumakain ng paborito niyang seafoods. Sa kanyang nabasang mga komento, mayroon din namang nagtanggol sa aktres kaugnay sa victim blaming dahil sa pananamit ni Barbie.

Read also

Barbie Imperial, pinabulaanang siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Carlo Aquino at Trina Candaza

Nakilala si Barbie Imperial matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: 737 kung saan nakilala siya bilang "The Doll along the Riles of Albay." Pinsan siya nina Michelle at Marco Gumabao. Matatandaang naging viral ang pag-amin ni Barbie tungkol sa relasyon nila ni Diego Loyzaga noong 2021 na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, ayon kay Barbie, bati na sila ng kontrobersiyal na social media personality na si Xian Gaza. Ito ay dahil sa umano'y panonood ni Xian sa kanyang kauna-unahang vlog episode na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Kabilang si Xian sa mga lalaking tinanong kay Barbie kung "jojowain o totropahin" niya at sinabi niyang totropahin lang si Xian dahil lagi niya itong inaaway. Matatandaang nag-viral ang reaction video ni Xian sa naturang vlog ni Barbie kung saan hindi nito maitago ang kanyang kilig.

Kamakailan ay sinorpresa ni Barbie ang ilang food delivery riders sa pamamagitan ng pagkaing siya mismo ang nag-order. Sa kanyang bagong vlog, pinakita niya ang mga naging reaksiyon ng drivers nang malaman nilang para pala sa kanila ang mga pagkaing dapat ay i-dedeliver nila. Ayon kay Barbie, dahil marami siyang natatanggap na biyaya ay naisipan nila ng kanyang team na magbahagi din ng biyaya. Isa sa mga riders na kanyang nabigyan ay bahagyang naging emosyonal dahil hindi pa daw siya nakaranas na mabigyan kagaya sa ginawa ni Barbie.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel