Melai Francisco, tinawag na 'Asia's comedy Queen' ng kanyang Momshie Reg

Melai Francisco, tinawag na 'Asia's comedy Queen' ng kanyang Momshie Reg

- Binansagan ni Regine Velasquez si Melai Francisco bilang 'Asia's Comedy Queen'

- Ito ay nang mapag-usapan nila ang mga nakatutuwang pictures at videos ni Mela kasama ang mga 'Oppa' sa Korea

- Matatandaang marami ang talagang na-aaliw sa natural na pagiging komedyante ni Melai gayundin ng kanyang masayang pamilya

- Katunayan, marami ang humihiling na gawing isang ganap na show ang mga kaganapan sa buhay ng pamilya Francisco

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tinawag ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid na 'Asia's Comedy Queen' Si Melai Cantiveros-Francisco.

Melai Francisco, tinawag na 'Asia's comedy Queen' ng kanyang Momshie Reg
Melai Francisco, tinawag na 'Asia's comedy Queen' ng kanyang Momshie Reg
Source: Facebook

Ito ay bago ibahagi ni Melai ang mga kwento sa likod ng makukulit na pictures at video na kuha sa mga "oppa" na nakasama niya sa Korea

"Nag-decide na si Asia's. Nag-decide na si Asia's na ikaw ang Queen. I-trending natin 'yan... Asia's Comedy Queen. Trending kaya, trending," Ani Regine.

Read also

Xander Schimmer, naglalambing nang bumisita sa ina: "I want to talk to you"

"Char-char lang 'yun, char char lang yun," komento naman ni Melai sa nasabi na ito ni Regine.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matapos ito'y agad niyang naibahagi ang ilang mga kwento sa likod ng pictures at videos na kanyang nai-share sa social media kasama ang mga 'Oppa' sa Korea.

Naikwento niya na pawang mga staff ng ginagawang proyekto roon ang nakukumbinsi na makipag-picture o makapag-video.

Narito ang kabuuan ng kanilang masayang talakayan mula sa Magandang Buhay:

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jayson Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Kamakailan, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jayson. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong nag-viral at nag-trending dahil sa mga kulitan labis na nakapagpapasaya sa mga manonood.

Read also

Cristy: "Ako man si dating Mayor Isko Moreno bakit ko tatanggapin na ako ang pambala sa kanyon"

Tila mayroon din itong show na kinunan sa Korea base na rin sa mga ibinabahagi niyang update sa pag-stay doon. Katunayan, mabilis na nag-viral ang post na umano'y kuha sa kanilang shoot na tila nagtataka ang mga kasamang Koreano kung bakit siya ang artista nila para sa proyekto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel