Cristy: "Ako man si dating Mayor Isko Moreno bakit ko tatanggapin na ako ang pambala sa kanyon"

Cristy: "Ako man si dating Mayor Isko Moreno bakit ko tatanggapin na ako ang pambala sa kanyon"

- Nagbigay ng sariling opinyon si Cristy Fermin sa kung bakit wala sa studio si dating Manila City Mayor Isko Moreno

- Tila mas pinili nitong sumama kay Buboy Villar sa labas ng studio upang mamahagi ng mga papremyo

- Ani Cristy, maaring ang umano'y pagbibigay ng pahayag ni Paolo Contis araw-araw sa "Eat Bulaga" ay dapat sana'y kay Isko Moreno

- Subalit aniya, maaring dahil sa pagnanais muli na tumakbo sa susunod na eleksyon si Isko kaya hindi niya ito ginagawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bukod sa tila araw-araw umanong pahayag ni Paolo Contis sa Eat Bulaga, isang kapansin-pansin sa programa ay kung bakit wala sa studio at pinili ng dating Manila City Mayor na si Isko Moreno.

Cristy: "Ako man si dating Mayor Isko Moreno bakit ko tatanggapin na ako ang pambala sa kanyon"
Isko Moreno and Buboy Villar (Isko Moreno Domagoso)
Source: Facebook

Sa kanyang segment, ang umano'y G sa Gedli ay pawang ginagawa sa labas at sa ibang lugar habang naghahandog ng papremyo sa ating mga kababayan.

Read also

Paolo Contis, tila araw-araw SONA ayon kay Cristy: "Siya ang laging nagkukukuda"

Sa pantaha ni Cristy, may kinalaman umano ito sa balak ni Isko sa susunod na eleksyon.

"Ito, opinyon ko 'to, labas ang iba. Ako man si dating Mayor Isko Moreno bakit ko tatanggapin na ako ang pambala sa kanyon. Paano na ang pangarap kong pulitikal. Malapit na naman, ilang tulog at gising na lang, eleksyon na naman. E nag-aambisyon siya na tumakbo para senador. Bakit ko tatanggapin? magso-SONA ako para matandaan ng mga tao? Bawas boto 'yun," ani Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod. Matatandaang isa siya sa mga naging presidential candidate sa national elections noong 2022. Sa ngayon, pinasok na rin niya ang mundo ng pagiging isang content creator. Katunayan, itinayo niya ang sarili niyang media company, ang Scott Media na hango sa tunay niyang palayaw na Scott.

Read also

Maja Salvador, nilarawan na 'almost perfect' ang mister na si Rambo Nuñez

Tutok din siya ngayon sa kanyang programang 'Iskovery night' sa ilalim naman ng kanyang production na Scott media. Ilan sa mga naging panauhin na ni Isko sa kanyang programa ay sina Coco Martin, Vice Ganda at Angeline Quinto na pawang mga tubong Maynila tulad niya.

Samantala, sa ikaanim na araw buhat nang magpalit ng mga host ang Eat Bulaga, isa si Yorme Isko sa mga ipinakilalang tagapagdaloy ng programa. Inakala ng marami na guest lamang siya subalit laking gulat ng marami nang malamang araw-araw na siyang nasa EB.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel