Maja Salvador, nilarawan na 'almost perfect' ang mister na si Rambo Nuñez

Maja Salvador, nilarawan na 'almost perfect' ang mister na si Rambo Nuñez

- Nilarawan ni Maja Salvador na almost perfect ang kanyang mister na si Rambo Nuñez

- Aniya, kahanga-hanga umano ang paggawa nito ng paraan para lamang makasama siya sa kabila ng busy schedule

- Sadyang mahaba rin daw ang pasensya nito lalo na maraming bagay ang pinagkakaabalahan ni Maja kahit sa kasagsagan ng pandemic noong mga nakaraang taon

- Noong July 31, ikinasal sina Rambo at Maja sa Indonesia subalit kamakalilan lamang ay naikwento ni Maja ang tungkol sa kanilang civil wedding noong Valentine's Day 2023

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

"Almost perfect" ang paglalarawan ni Maja Salvador sa kanya na ngayong mister na si Rambo Nuñez.

Maja Salvador, nilarawan na 'almost perfect' ang mister na si Rambo Nuñez
Maja Salvador, nilarawan na 'almost perfect' ang mister na si Rambo Nuñez
Source: Instagram

Isa kasi ito sa natanong sa kanya ni Bernadette Sembrano nang makapanayam sila nito para sa kanyang YouTube channel.

Hanga umano si Maja sa pasensya at tiyaga ni Rambo sa kanya sa kabila ng pagkakaroon niya ng busy schedule.

Read also

Ogie Diaz, nabanggit ang umano'y yaman nina Maine at Arjo bago pa man magpakasal

"'Pag diniscribe mo kasi ang gentleman, talagang kahit saan aalalayan ka. Kaya siguro 'yung best na idi-describe ko siya, almost perfect," paliwanag ni Maja.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ang name man niya ay rambo, pero 'pag may sakit siya... baby ko siya," dagdag pa niya.

Taong 2010 nang unang magkarelasyon sina Maja at Rambo subalit aminado silang naisantabi ito dahil sa pausbong na career noon ni Maja.

"Parang totoo yung kasabihan [ate] na kapag siya na, siya na," ani Maja kaya naman nang magkabalikan sila noong 2019, nauwi sa kasalan ang kanilang pagmamahalan ngayong 2023.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Maja mula sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano:

Si Maja Ross Andres Salvador na mas kilala bilang si Maja Salvador ay isang aktres, dancer, television host, producer at talent manager sa Pilipinas. Bukod sa mga pelikula at kabi-kabilang teleserye na napapanood noon sa ABS-CBN, naging bahagi rin si Maja ng Eat Bulaga. Subalit, kamakailan lang, kinailangan niyang mamaalam sa programa pansamantala at isa umano sa sinasabing dahilan ay ang preparasyon niya sa kanyang kasal.

Read also

Ion Perez nagbahagi ng cryptic post: "Gusto ako nyan kaya sya ganyan"

July 31 nang ganapin sa Bali, Indonesia ang kasal nina Maja at Rambo na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan. Isa na rito si Maine Mendoza na matapos ang kasalan naman nila ni Arjo Atayde ay nagtungo sa Indonesia upang masaksihan ang kasal ng kaibigan mula sa Eat Bulaga.

Samantala, sa isang interview kay Maja ng Preview, nabanggit nito ang tungkol sa civil wedding nila ni Rambo noong Valentine's Day ngayong taon. Aniya, ito ay dahil hindi kikilalanin sa bansa ang kasal nilang ginanap sa Indonesia kaya naman sa pagdiriwang nila ng ikaapat na anibersaryo, nauna ang kanilang civil wedding.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel