Ogie Diaz, nabanggit ang umano'y yaman nina Maine at Arjo bago pa man magpakasal

Ogie Diaz, nabanggit ang umano'y yaman nina Maine at Arjo bago pa man magpakasal

- Naikwento ni Ogie Diaz kung gaano umano kayaman ang bagong kasal na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza

- Paglilinaw ni Ogie, bago pa man ikasal ang dalawa ay may-kanya kanya na umanong yaman ang mga ito at pawang may kaya sa buhay ang kani-kanilang pamilya

- Nasabi niya ito kaugnay sa kontrobersyal na artikulong lumabas umano na parang may official trip si Arjo na susundan ng honeymoon nila ni Maine

- Ikinasal sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Baguio City nito lamang Hulyo 28

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Ogie Diaz ang estado sa buhay nina Maine Mendoza at Arjo Atayde bago pa man ikasal ang mga ito.

Ogie Diaz, nabanggit ang umano'y yaman nina Maine at Arjo bago pa man magpakasal
Arjo Atayde and Maine Mendoza (@mainedcm)
Source: Instagram

Kamakailan kasi ay naging kontrobersyal ang naisulat na artikulo tungkol sa umano'y official trip ni Arjo na susundan lamang umano ng honeymoon nila na si Switzerland.

Read also

Maja Salvador, nilarawan na 'almost perfect' ang mister na si Rambo Nuñez

Bagama't nilinaw na rin ito ng news site gayung wala rin silang sinabi na pera umano ng gobyerno ang gagamitin ng bagong kasal, sumegunda naman si Ogie ng impormasyon sa kung gaano kayaman ang dalawa bago pa man sila ikasal.

"Si Arjo, e nakakahiya mang sabihin na naku, baka sabihin mayabang e may kaya po sa buhay 'yan. Hindi po 'yan produkto ng pagpupulitika 'yung kanilang mga yaman.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Dahil si Maine, sinasabi nga niya sa akin dati na meron silang tag-iisang Mc Donald's franchise, meron din silang tag-iisang gasoline station. Bilang 'yan ay bigay sa kanila ng kanilang parents. Kaya 'yung mismong pera ni Maine, hindi niya 'yun nagagastos o 'yun ay naka-invest.
"Tapos si Arjo naman, ang mga Atayde, e noon pa ho mayaman. Wala pa po 'yan sa pulitika. Old rich kumbaga, Atayde 'yan ano."

Read also

Kathryn, dinepensahan ni Dolly de Leon: "Nasa legal age na siya para gawin ‘yun"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanilang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Arjo Atayde ay aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye kagaya ng Hanggang Kailan, The General’s Daughter, at sa iWant original series na Bagman kung saan nakasungkit siya ng maraming acting awards. Anak siya ng beteranang aktres na si Sylvia Sanches at kapatid ni Ria Atayde.

Sa isang panayam ng broadcaster na si Julius Babao sa aktor na si Arjo naitanong sa kanya kung napag-uusapan na nila ni Maine ang tungkol sa pagpapakasal. Inamin ni Arjo na napag-uusapan na nilang magkasintahan ang tungkol sa bagay na ito lalo at nasa tamang gulang naman na sila at masaya sila sa isa't-isa. Ayon pa kay Arjo, umaasa siyang sila na ang magkakatuluyan ng TV host-actress at aniya ay sana hanggang sa kanilang pagtanda. Muli niya ding nabanggit kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

Read also

Cristy sa umano'y sinapit ni Jeffrey Oh: "Tumaya sa maling kabayo si Liza Soberano"

Nauna nang naibalita ng KAMI na engaged na si Maine sa kanyang boyfriend na si Arjo. Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Maine ang ilang pictures nila ni Arjo. Kapansin-pansin din ang kanyang suot na singsing na makikita sa apat na litratong kanyang binahagi. Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa hindi lang mula sa kanilang fans kundi maging mula sa kasamahan nila sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel