Kathryn, dinepensahan ni Dolly de Leon: "Nasa legal age na siya para gawin ‘yun"

Kathryn, dinepensahan ni Dolly de Leon: "Nasa legal age na siya para gawin ‘yun"

- Dinipensahan ni Dolly de Leon si Kathryn Bernardo sa kontrobersyal na 'vape' video na kuha umano ng isang netizen

- Aniya, maging siya ay may scene na kinakailangang magsigarilyo

- Dagdag pa ni Dolly, sakaling gumagamit talaga nito ang aktres, nasa wastong edad naman ito

- Sina Kathryn at Dolly ay magkasama sa isang dark-comedy na pelikulang "A Very Good Girl"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dumipensa si Dolly de Leon sa kontrobersyal na 'vape video' ni Kathryn Bernardo na naging usap-usapan kamakailan sa social media.

Kathryn, dinepensahan ni Dolly de Leon: "Nasa legal age na siya para gawin ‘yun"
Kathryn Bernardo and Dolly de Leon (@starcinema)
Source: Instagram

Isa umano ito sa napag-usapan nila nang makapanayam siya ng showbiz reporter na si Cristy Fermin sa programa niyang Cristy Ferminute kamakailan.

Paglilinaw ni Dolly, isa sa mga magiging eksena umano ni Kathryn sa pelikula ay ang paggamit ng vape.

Read also

Paolo Contis, tila araw-araw SONA ayon kay Cristy: "Siya ang laging nagkukukuda"

"Dahil meron po siyang eksena na magvi-vape po talaga siya. At may eksena din ako na magsi-sigarilyo ako. Kaya pinapraktis niya kung paano gamitin 'yung vape. 'Yun po 'yung nangyari talaga du'n," ani Dolly.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Paalala rin niya na maituturing umanong bawal ang nagawa ng netizen na pagkuha ng video para mai-post online.

"Unfortunately, spoiler dahil nga po po may tao du'n. Actually, bawal po 'yun eh. 'Yung mga nagpi-picture habang nagshu-shoot. Bawal po talaga. Kung gusto nilang mag-picture, sana hindi na lang nila pinost," paliwanag pa niya.

Aniya, sakali mang gumagamit nga nito ang aktres sa totoong buhay, wala siyang nakikitang masama gayung nasa wastong edad na ito.

Mapapanood ang kabuuan ng panayam sa Cristy Ferminute ng One PH YouTube channel:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Read also

Markus Paterson sa pagiging co-parent ni Janella: "I couldn't ask for a better mother of my child"

Minsan nang napuri ni Ogie Diaz si Kathryn Bernardo at ka-love team nito at real-life sweetheart na si Daniel Padilla. Ito ay dahil sa magkahiwalay na proyektong gagawin ng dalawa. Si Kathryn ang magiging bahagi ng pelikulang A Very good Girl. Habang si Daniel Padilla naman ay may nakalatag din na dalawang pelikulang gagawin. Ito ay ang 'Nang mapagod si Kamatayan' kung saan makakasama niya si Zanjoe Marudo at ang psychological suspense thriller na 'The Guest' kasama si John Arcilla.

Isa rin umano si Ogie Diaz sa dumipensa kay Kathryn matapos na kumalat ang video na kuha sa shoot ng kanilang Cinemalaya entry na "A Very Good Girl" kung saan kasama nito si Dolly De Leon. Tulad ng nasabi rin ng Guldbagge Award for Best Actress in a Supporting Role nominee, sinabi ni Ogie na sakaling totoong nagvi-vape si Kathryn, normal lang ito at di na kailangan pang gawing big deal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel