Paolo Contis, tila araw-araw SONA ayon kay Cristy: "Siya ang laging nagkukukuda"

Paolo Contis, tila araw-araw SONA ayon kay Cristy: "Siya ang laging nagkukukuda"

- Tila araw-araw daw umanong nagkakaroon ng SONA sa "Eat Bulaga" ayon kay Cristy Fermin

- Ito ay dahil sa umano'y mga pahayag ni Paolo Contis bago matapos ang programa

- Maraming netizens na umano ang nakapapansin nito na pawang nakakapanood sa programa

- Ang masklap pa umano rito, kahit si Paolo ang nagsisimula siya rin naman umano ang pa-victim sa huli ayon kay Cristy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay komento sina Cristy Fermin sa umano'y araw-araw na pahayag ni Paolo Contis sa Eat Bulaga ng TAPE Inc.

Paolo Contis, tila araw-araw SONA ayon kay Cristy: "Siya ang laging nagkukukuda"
Paolo Contis kasama ang kapwa hosts ng Eat Bulaga na sina Buboy Villar at Isko Moreno gayundin ang magkapatid na Jalosjos mula sa TAPE Inc. (Eat Bulaga Na)
Source: Facebook

Marami umano kasi ang nakakapansin na hindi raw natatapos ang programa araw-araw nang hindi naglalabas umano ng pahayag si Paolo ukol sa kanila bilang host ng programang kinalakhan ng marami bilang noontime show ng Tito, Vic and Joey.

Read also

Rosmar, nabanggit sa vlog ni Alex G na Php50,000 ang bill nila sa kuryente

"Araw-araw na lang may SONA sa kanilang programa. Ang pangulo ng Pilipinas once a year lang nagre-report ng mga nagaganap. E siya, every day," ani Cristy.

"Nagtataka po ang ating mga kababayan kung bakit hindi matatapos ang show nang walang litanya itong si Paolo Contis. At siya 'yung starter pero siya 'yung pa-victim," dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Unang-una 'yung kay Paolo Contis, 'di ba niya nahahalata, siya ang ipinambabala sa kanyon. Siya ang nagsisimula ng gulo. Siya ang laging nagkukukuda sa dulo siya ang pa-victim. San ka nakakita ng ganyan?" pagbibigay diin pa umano ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!

Si Paolo Contis ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at hanggang ngayon at aktibo pa rin sa showbiz. Katunayan, isa si Paolo sa napiling maging host ng Eat Bulaga matapos na umano'y lisanin nina Tito, Vic at Joey ang TAPE Inc. noong Mayo 31.

Read also

Maja Salvador, nilarawan na 'almost perfect' ang mister na si Rambo Nuñez

Naging kontrobersyal ang pahayag kamakailan ni Paolo kung saan nasabi niyang nasasaktan umano sila tuwing masasabihan ng Fake Bulaga matapos na pumalit sa Tito, Vic and Joey bilang host ng programa.

Samantala, matatandaang naging usap-usapan din noon si Paolo dahil sa hiwalayan nila ni LJ Reyes at labis ding gumawa ng ingay ang isyu sa pagiging ama ni Paolo na aminadong hindi nakapagbibigay umano ng sustento sa mga anak. Kabi-kabilang pambabatikos ang natamo ng aktor dahil dito at hanggang ngayon ay tila hindi pa ring humuhupa ang kontrobersiyang ito tungkol sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel