Rosmar, nabanggit sa vlog ni Alex G na Php50,000 ang bill nila sa kuryente

Rosmar, nabanggit sa vlog ni Alex G na Php50,000 ang bill nila sa kuryente

- Ipinasilip ni Rosmar Tan Pamulaklakin ang kanyang mala-mansyong bahay sa Tagaytay

- Sa vlog ni Alex Gonzaga, makikita kung gaano kalaki ang bahay ni Rosmar na isa lamang sa kanyang mga properties

- Kaakibat ng malaking bahay niya ay ang malaking bill din ng kanilang kuryente

- Umaabot daw umano ito sa Php50,000 na maging si Alex ay nagulat sa taas ng bill nina Rosmar

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ipinakita ni Rosmar Tan Pamulaklakin ang mala-mansion niyang bahay sa Tagaytay.

Rosmar, nabanggit ang Php50,000 na bill nila sa kuryente sa vlog ni Alex G
Rosmar Tan Pamulaklakin (Rosmar)
Source: Facebook

Sa pinakabagong vlog ni Alex Gonzaga nakikita kung gaano kalaki ang tahanan ni Rosmar sa Tagaytay na una niyang naisip na gawing resort.

Sinasabing iyon umano ang pinakamahal na bahay sa naturang subdivision kung saan ito nakatayo.

Subalit mas pinili niyang gawin itong tahanan kung saan makikita rin ang mga luxury cars na bunga umano lahat ng kanilang matagumpay na negosyo.

Read also

Zeinab, ipinakita ang mga bagong vlogging equipment na Php1M umano ang halaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

At dahil sa laki ng kanyang tahanan, malaki rin umano ang bill nila sa kuryente na umaabot umano sa Php50,000.

"Opo, Php50,000," pagkumpirma pa ni Rosmar na ikinagulat naman ni Alex.

Makikita rin sa kanilang tahanan ang sarili nilang gym na ginagamit 'di lang na kanyang mister kundi pati na rin ng kanilang staff.

Narito ang kabuuan ng kanyang house tour sa YouTube channel na Alex Gonzaga Official:

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang nag-viral si Rosemar dahil sa kanyang ipon challenge noong 2017. Kamakailan ay binahagi niya ang tungkol sa fake booking sa mga pagkain na pinadala sa kanyang address kaya binayaran na lamang nila ng kanyang partner.

Read also

Ogie Diaz, nabanggit ang umano'y yaman nina Maine at Arjo bago pa man magpakasal

Sa ngayon, isa na siyang CEO ng sarili niyang brand at habang parami nang parami ang tumatangkilik sa kanya, dumarami rin ang mga produktong naihahain niya sa kanyang mga supporters. Kamakailan, naglabas pa ng single si Rosmar kung saan kasama pa niya ang kanyang mister na si Nathan. Naging kontrobersyal ang naturang kantang "Manalamin" dahil sa lyrics nito. Sa ngayon, mayroon nang 2.5 million views ang music video nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel