Zeinab, ipinakita ang mga bagong vlogging equipment na Php1M umano ang halaga

Zeinab, ipinakita ang mga bagong vlogging equipment na Php1M umano ang halaga

- Ipinakita ni Zeinab Harake ang kanyang mga bagong vlogging equipment

- Aniya, talagang pinaglaanan niya ito ng budget dahil iyon daw umano ang magagandang klase ng camera at iba pang gadget

- Agaw-pansin din ang halaga ng bawat gamit na may mga safe boxes na rin para maingatan

- Sa ngayon, nasa 13.6 million na ang mga subscribers ni Zeinab kaya naman isa siya sa kilala at matatagumpay na vlogger sa bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ipinakita ni Zeinab Harake ang mga bago niyang vlogging equipment sa pinakabagong video sa kanyang YouTube channel.

Zeinab, ipinakita ang mga bagong vlogging equipment na Php1M umano ang halaga
Zeinab, ipinakita ang mga bagong vlogging equipment na Php1M umano ang halaga
Source: Facebook

Ayon kay Zeinab, bilang isang vlogger mahalaga na pinaglalaanan din niya talaga ang pagkakaroon ng mga magagandang kagamitan para masigurong matutuwa ang kanyang mga manonood sa kalidad ng video na kanyang ginagawa.

Read also

Rosmar, nabanggit sa vlog ni Alex G na Php50,000 ang bill nila sa kuryente

Mula sa laptop na gagamitin ng kanyang editors, hanggang sa mga camera at maging mga safe boxes nito, talaga namang nakakalula ang presyo na umabot ng nasa isang milyong piso.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Paliwanag ni Zeinab, mahalaga rin na maayos ang lagayan ng kanyang mga kagamitan dahil bukod sa mahal ito, nararapat lamang na ingatan.

"Medyo malaki ang nilabas ko rito pero hindi ako mayamang tao. Talagang tinataguyod ko lang po."

Narito ang kabuuan ng kanyang video mula sa kanyang YouTube channel:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.6 million subscribers sa kanyang channel. Siya ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Lucas at Bia.

Inspirasyon ang hatid ng karamihan sa kanyang vlogs lalong-lalo na pagdating sa pagmamahal at pag-aaruga niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga anak. Gayundin ang pagmamalasakit niya sa kanyang mga magulang at mga kapatid at maging ang bumubuo ng kanyang 'Team Zebbies na itinuturing na rin niya talaga na bahagi ng kanilang pamilya.

Read also

Rendon Labador, tinawag ang pansin ng PSA para ipaliwanag ang nakitang mga National ID sa basurahan

Matatandaang sa sa isang vlog ni Zeinab, naibahagi nito kung paano siya napaiyak dahil kay Lucas. Nilarawan ni Zeinab na halos madurog umano ang kanyang puso nang malaman ito mula pa sa teacher ng kanyang anak. Naibahagi rin niya sa naturang video kung paano niya inalmahan ang mga netizens na naaawa umano kay Lucas tuwing karga ni Zeinab ang bunso nitong si Bia.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel