Zeinab Harake, Valentine's date ang mga anak na sina Lucas at Bia

Zeinab Harake, Valentine's date ang mga anak na sina Lucas at Bia

- Ibinahagi ni Zeinab Harake ang mga larawan nila ng kanyang mga anak na sina Lucas at Bia

- Kuha umano ito noong Valentine's day kung saan ang kanyang mga anak ang kanya umanong mga ka-date

- Matatandaang mula nang mabalita ang hiwalayan nila ni Skusta Clee, wala na muling ibang na-link sa YouTube Star

- Gayunpaman, sunod-sunod ang biyayang natatanggap ni Zeinab sa kanyang career na kamakailan lang ay nag-perform sa Araneta Coliseum para 'Pinakamakinang concert' ng Brilliant Skin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinagiliwan ng marami ang isa sa maituturing na pinaka-sweet na Valentine's post na ibinahagi ni Zeinab Harake.

Zeinab Harake, Valentine's date ang mga anak na sina Lucas at Bia
Zeinab Harake with Lucas (Zeinab Harake)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ipinakita ni Zeinab ang mga larawan nilang mag-iina sa Araw ng mga puso.

May caption pa umano ang kanyang post na "pinakamasayang Valentine's date" kung saan kasama niya ang mga anak na sina Bia at Lucas.

Read also

Andrew Schimmer, ibinida ang tattoo na mukha ni Jorhomy bago ang Valentine's day

Kapansin-pansin na twinning pa sina Zeinab at Baby Bia habang naka-black shirt din si Lucas habang sila ay masayang naglalaro sa play area.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naantig naman ang puso ng marami na sa kabila ng mga naging pagsubok ng pamilyang binubuo sana ni Zeinab, nanatili siyang matatag para sa kanyang mga anak.

Narito ang komento ng ilang netizens:

"Best gift ever mo yan idol Zebby"
"Kitang-kita yung happiness nilang mag-iina, so happy for you po"
"Deserve mo yan Zeinab, kita rin sa babies mo na isa kang mabuting mommy"
"Very Good Mommy Zeinab. Swerte nina Lucas at Bia sa'yo."
"Bakit parang naluluha ako looking at your pictures po"

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Sa mga huling vlogs niya noong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Read also

Cristy sa bagong tema ng vlog ni Alex: "Halatang-halata naman itong damage control na ito"

Naibahagi rin niya umano ang mga natutunan niya noong nakaraang taon na inulan siya ng kabi-kabilang kontrobersiya.

Gayunpaman, labis-labis pa rin ang pasasalamat ni Zeinab na nagtapos pa ring matagumpay ang kanyang 2022.

Katunayan, bahagi siya ng Pinakamakinang concert ng Brilliant Skin kamakailan na ginanap sa Araneta Coliseum.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel