Andrew Schimmer, ibinida ang tattoo na mukha ni Jorhomy bago ang Valentine's day

Andrew Schimmer, ibinida ang tattoo na mukha ni Jorhomy bago ang Valentine's day

- Ibinida ni Andrew Schimmer ang kanyang bagong tattoo na mukha ng yumaong fiancée na si Jorhomy

- Nataong bago ang Valentine's Day, naibahagi niya ito sa kanyang socmed maging ang maiksing video ng tattoo session niya

- Aniya, lagi na raw niyang makikita si Jorhomy saan man siya magpunta

- Bago ang Pasko noong 2022, sumakabilang buhay si Jorhomy Rovero matapos ang isang taon na pakikipaglaban sa kanyang naging karamdaman

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Andrew Schimmer ang kanyang bago at katatapos lamang na tattoo sa braso kung saan makikita ang mukha ng yumao niyang fiancée na si Jorhomy Rovero.

Andrew Schimmer, ibinida ang tattoo na mukha ni Jorhomy bago ang Valentine's day
Andrew Schimmer kasama si Jho (John Andrew Schimmer)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa caption ni Andrew sa kanyang social media post, ito umano ang Valentine's gift niya sa namayapa niyang nobya.

"It’s finished! Happy Valentine’s Day gift my love..Lagi na ulit kita makikita kahit San ako andun," ani Andrew.

Read also

Toni Fowler, ibinahagi ang picture nila ni Vice Ganda na kuha noong 2012

Halos kuhang-kuha ng artist na si Paolo Edrosa ang detalye ng mukha ni Jorhomy kaya naman labis ang pasasalamat ni Andrew sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinili ni Andrew na sa braso niya ito ipalagay upang mas madali niya umanong makita at maalala si Jho.

Maging ang bahagi ng kanyang tattoo session na ito ay naibahagi ni Andrew.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021.

Kamakailan, tila nagpahiwatig si Andrew ng kasal kay Jho nang ipakita niya ang larawan ng singsing at ilang emojis na patungkol sa kasalan.

Read also

Larawan ni Joshua Garcia na escort sa Sagala noong 2012, kinagiliwan online

Ilan minuto bago kumpirmahin ni Andrew ang pagpanaw ng misis noong Disyembre 20, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Marami ang natuwa sa post na ito sa pag-aakalang ikinasal na ang dalawa.

Sinasabing balak na umanong pakasalan ni Andrew si Jho anumang oras subalit hindi na niya ito naisakatuparan pa.

Nito lamang Bagong Taon, naglabas din ng saloobin si Andrew gayung ito ang unang araw ng Bagong Taon na hindi na niya kasama si Jho. Inalala niya ang madalas nilang gawing mag-asawa tuwing matatapos umano ang Media Noche. Masakit umano ito para kay Andrew lalo na at hindi na niya magagawa ito sa pagkawala ng misis na siyang lagi niyang nakakausap at laging nakikinig sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel