Toni Fowler, ibinahagi ang picture nila ni Vice Ganda na kuha noong 2012

Toni Fowler, ibinahagi ang picture nila ni Vice Ganda na kuha noong 2012

- Ibinahagi ni Toni Fowler ang picture nila ni Vice Ganda na kuha noong 2012 noong nagtatrabaho siya bilang isa sa mga back-up dancers sa "It's Showtime"

- Ito ay matapos niyang mag-guest nitong araw sa naturang noontime show ngunit ngayon ay bilang isa sa mga artista

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Kabilang siya sa mga cast ng bagong serye ni Coco Martin na FPJ's Batang Quiapo na nagsimula ding umere ngarong Lunes

- Binahagi din ni Toni sa kanyang post ang bagong picture nila ni Vice Ganda

Sa post ni Toni Fowler sa Instagram, ibinahagi niya ang picture nila ni Vice Ganda na kuha noong 2012 at ang bago nilang picture nang mag-guest siya ngayong araw sa It's Showtime. Aminado si Toni na hindi niya mapigilang maging emosyonal na nakabalik siyang muli ngunit hindi na bilang isang back-up dancer kundi bilang artista na.

Read also

Andrew Schimmer, ibinida ang tattoo na mukha ni Jorhomy bago ang Valentine's day

Toni Fowler, ibinahagi ang picture nila ni Vice Ganda na kuha noong 2012
Toni Fowler, ibinahagi ang picture nila ni Vice Ganda na kuha noong 2012 (@tonifowlerpo)
Source: Instagram
Hindi ko talaga napigilan luha ko sa live. For almost 3 years nag trabaho ako sa Showtime bilang BACK UP DANCER tapos ngayon nakabalik ako pero bilang guest ng ARISTA.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi niya kinaligtaang pasalamatan si Coco Martin na siyang nagbigay ng pagkakataon sa kanya at iba pang mga vlogger at social media personalities na nakasama sa bagong serye nito.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Larawan ni Joshua Garcia na escort sa Sagala noong 2012, kinagiliwan online

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel