Andrew Schimmer, labis na nami-miss ang fiancee na si Jho Rovero; "Miss you more than life"

Andrew Schimmer, labis na nami-miss ang fiancee na si Jho Rovero; "Miss you more than life"

- Naglabas ng saloobin si Andrew Schimmer, ilang linggo mula nang pumanaw ang kanyang fiancee na si Jorhomy Rovero

- Aniya, miss na miss na niya talaga ito at nalulungkot siyang hindi na umano niya basta makakasama ito

- Disyembre 20 nang tuluyang mamaalam si Jho kung saan naabutan na lamang siya ni Andrew na nire-revive

- Sinasabing balak na sanang pakasalan ni Andrew si Jho subalit na hindi na ito naganap pa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Andrew Schimmer ang kanyang pagka-miss sa fiancée niyang si Jorhomy Rovero.

Andrew Schimmer, labis na nami-miss ang fiancee na si Jho Rovero; "Miss you more than life"
Andrew Schimmer kasama ang kanyang pamilya (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na makalipas ang ilang linggo matapos na maihatid sa huling hantungan si Jho, labis-labis pa rin ang kalungkutan ni Andrew sa nangyari.

“I miss your touch some nights when I‘m hollow, I know, you already cross the bridge that I can’t follow…" ani Andrew.

Read also

Michelle Madrigal, kwinento ang pagganti niya sa cheater na boyfriend niya noon

"Just want you to know…That if I can’t be close to you, I’ll settle for the ghost of you… I miss you more than life. Miss you more than life"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021.

Kamakailan, tila nagpahiwatig si Andrew ng kasal kay Jho nang ipakita niya ang larawan ng singsing at ilang emojis na patungkol sa kasalan.

Ilan minuto bago kumpirmahin ni Andrew ang pagpanaw ng misis noong Disyembre 20, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Marami ang natuwa sa post na ito sa pag-aakalang ikinasal na ang dalawa.

Read also

Kyle Echarri, may sweet birthday message sa 12-anyos na kapatid na may brain tumor

Sinasabing balak na umanong pakasalan ni Andrew si Jho anumang oras subalit hindi na niya ito naisakatuparan pa.

Nito lamang Bagong Taon, naglabas din ng saloobin si Andrew gayung ito ang unang araw ng Bagong Taon na hindi na niya kasama si Jho. Inalala niya ang madalas nilang gawing mag-asawa tuwing matatapos umano ang Media Noche. Masakit umano ito para kay Andrew lalo na at hindi na niya magagawa ito sa pagkawala ng misis na siyang lagi niyang nakakausap at laging nakikinig sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel