Michelle Madrigal, kwinento ang pagganti niya sa cheater na boyfriend niya noon

Michelle Madrigal, kwinento ang pagganti niya sa cheater na boyfriend niya noon

- Nag-kwento si Michelle Madrigal ukol sa pag-cheat sa kanya ng ilang beses ng dati niyang boyfriend

- Inamin din ni Michelle na naghiganti siya sa boyfriend niyang iyon

- Naghiganti si Michelle sa boyfriend niya noon sa pamamagitan ng pag-cheat din dito

- Eventually, natanto rin ni Michelle na wala naibungang maganda ang paghihiganti niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

May mga rebelasyon si Michelle Madrigal sa latest episode ng kanyang YouTube vlog.

Screenshot from Michelle Madrigal’s YouTube channel
Screenshot from Michelle Madrigal’s YouTube channel
Source: UGC

Isa na rito ang pag-cheat sa kanya ng ilang beses ng dati niyang boyfriend na hindi niya pinangalanan sa nasabing video.

“Wag nang pangalanan, pero yes. More than once.
“Ang tawag sa atin nun, shunga. Kasi same partner,” kwinento ni Michelle sa kapatid niyang si Ehra Madrigal.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Andrew Schimmer, labis na nami-miss ang fiancee na si Jho Rovero; "Miss you more than life"

Tangi rito, inamin din ni Michelle na naghiganti siya sa boyfriend niyang iyon sa pamamagitan ng pag-cheat din dito.

Na-realize din naman ni Michelle eventually na walang naibubungang mabuti ang paghihiganti.

“I have been unfaithful. Gumanti lang din ako.
“Sinaktan nila ako. Sabi ko, ‘A, kung kaya mo, kaya ko rin.’ Pero nung bata pa ako nun…
“But it doesn’t really help.
“Walang magagawa kung gaganti ka. Maggagantihan kayo. Walang outcome na mangyayari na maganda,” sabi ni Michelle.

Si Michelle Madrigal Gaspar o mas kilala sa kanyang screen name na Michelle Madrigal ay isang Pinay actress na nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest.

Biniyayaan si Michelle at si Troy Woolfolk ng isang anak na babaeng pinangalanan nilang Anika Austin Woolfolk. Nauna nang naibahagi ng aktres na nagkakilala sila ng kanyang mister sa isang dating app. Matatandaang naibahagi nila sa isa sa kanilang vlog na sumasailalim sila sa marriage counseling. Eventually, nag-divorce na rin sina Michelle at Troy.

Read also

Picture nina Moira Dela Torre at Jason Francisco na magkasama, kinagiliwan ng netizens

Kamakailan ay binahagi ni Michelle na nakapag-move on na siya at mayroon na rin siyang nakaka-date. Aniya, kagaya niya ay divorced din ang lalaking kanyang nakakasama kaya parang mas nagkakaintindihan umano sila. Inamin niya din na wala namang label ang kanilang relasyon ngunit aniya ay hindi naman mahalaga iyon sa kanya. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Michelle ang tungkol sa paghihiwalay nila ng dating asawa at paglipat niya ng tirahan kasama ang kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel