Picture nina Moira Dela Torre at Jason Francisco na magkasama, kinagiliwan ng netizens

Picture nina Moira Dela Torre at Jason Francisco na magkasama, kinagiliwan ng netizens

- Kinagiliwan online ang larawan nina Moira Dela Torre at Jason Francisco

- Umani ito ng samu't saring reaksyon gayung kapangalan ng ex-husband ni Moira na si Jason Marvin si Jason Francisco

- Nagbigay ng iba't ibang caption sa larawan ang mga netizens kabilang na rito ang nag-viral na video ng pamilya ni Jason tungkol sa chicken nuggets

- Samantala, marami ang patuloy na pumupuri kay Moira na labis na napangangalagaan lalo ang sarili

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw-eksena online ang larawan ni Moira Dela Torre at Jason Francisco.

Picture nina Moira Dela Torre at Jason Francisco na magkasama, kinagiliwan ng netizens
Moira Dela Torre (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na labis itong kinagiliwan online gayung kapangalan ng dating mister ni Moira na si Jason Marvin si Jason Francisco na mister naman ni Melai Cantiveros- Francisco.

Pagbibiro ng netizens, nagkasamang muli sina Jason at Moira na labis umano nilang ikinatuwa.

Read also

Ogie Diaz sa photos nina Charlie Dizon at Carlo Aquino: "Ako feeling ko, sila na"

"Jason and Moira nga naman. We're happy for you"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Moira at Jason naman talaga 'yang nasa picture ah. Dapat na lang tayong maging masaya sa balikan nila. Ay ibang Jason pala 'yun"

Samantala, ilang netizens naman ang inalala ang viral commercial ng mag-iina ni Jason Fransco tungkol sa chicken nuggets.

"Ate Moira, isang chicken nuggets naman diyan."
"Baka naman maipagluto pa ni Melai si Moira ng chicken nuggets"

Narito ang larawan na ibinahagi rin ng Kapamilya Online World:

Si Moira Rachelle Bustamante Dela Torre o mas kilala sa kanyang screen name na Moira Dela Torre ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog.

Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019.

Read also

Ogie Diaz, sa Christmas greeting ni Dennis Padilla sa mga anak: "Sinagot ka ba?"

Sa kanyang pagsasapubliko ng kanilang paghihiwalay ni Moira, marami sa mga fans at tagasuporta ng mag-asawa ang nalungkot at talaga umanong nanghinayang. Sa kanyang Twitter account ay makikita pa ang hugot ni Jason tungkol sa hindi pagsuko ilang linggo bago ang kanilang naging hiwalayan.

Samantala, marami ang pumupuri ngayon kay Moira na lalo umanong paganda nang paganda. Patunay lamang daw ito na talagang naalagaan ni Moira ang kanyang sarili sa kabila ng mga pinagdaanan nito lalo na buhat nang mauwi sa hiwalayan ang kanyang kasal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel