Ogie Diaz sa photos nina Charlie Dizon at Carlo Aquino; "Ako feeling ko, sila na"

Ogie Diaz sa photos nina Charlie Dizon at Carlo Aquino; "Ako feeling ko, sila na"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz tungkol sa mga larawan nina Charlie Dizon at Carlo Aquino kamakailan

- Marami ang nakapansin sa sweetness umano ng dalawa lalo na ang pwesto ng kanilang mga kamay habang magkatabi sila sa larawan

- Ani Ogie, pakiramdam niya'y may relasyon na umano ang dalawa lalo pa't kapansin-pansin ang mga umano'y panunukso sa kanila ng kapwa artista

- Ilan sa mga nagkomento ay sina Jolina Magdangal at Dimples Romana

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Wala pa mang pag-amin ngunit tila natutunugan na ni Ogie Diaz ang relasyon umano nina Charlie Dizon at Carlo Aquino.

Ogie Diaz sa photos nina Charlie Dizon at Carlo Aquino; "Ako feeling ko, sila na"
Carlo Aquino and Charlie Dizon (@jose_liwanag)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naging usap-usapan umano ang larawan nina Charlie at Carlo na talaga namang naging agaw-eksena sa social media.

Makikita doon ang saya ng dalawa at ang nakapukaw din ng atensyon ng netizens ay ang posisyon ng mga kamay nila habang magkatabi.

Read also

Ogie Diaz, sa Christmas greeting ni Dennis Padilla sa mga anak: "Sinagot ka ba?"

"Ako feeling ko, sila na," ani Ogie Diaz. "Kasi 'di ba tinutukso pa sila," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ilan kasi sa mga nagkomento sa kanilang larawan ay sina Jolina Magdangal at Dimples Romana.

Sa ngayon, wala pa rin umanong kumpirmasyon ng totoong estado ng relasyon nina Charlie at Carlo.

Samantala, noon pa ma'y mapapansing naipo-post na rin ni Carlo ang ilang mga larawan nila ni Charlie sa kanyang Instagram.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie Diaz mula sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Carlo Aquino ay isa sa mga kilalang aktor sa Pilipinas. Ilan sa mga naging pelikula niya kamakailan ay ang 'Isa Pa With Feelings' kasama si Maine Mendoza. 'Ulan' kung saan nakapareha niya si Nadine Lustre, at 'Exes Baggage' kung saan ang kanya mismong ex-girlfriend na si Angelica Panganiban ang kanyang nakatambal. Gayundin ang pelikulang 'Expensive Candy' na nakapareha naman niya si Julia Barretto. Matatandaang naikwento ni Carlo na muntik na siyang maging bahagi ng Netflix series na Squid Game.

Read also

Cristy, pinagtanggol si Ogie sa nagsabing fake news ang pagbabalik pelikula nina Bea at JLC

Samantala, gumawa rin ng ingay sa social media ang hiwalayan nina Carlo at ni Trina Candaza. Nabiyayaan sila ng anak na si Mithi.

Halos kasabay ng paglabas ng larawan nina Carlo at Charlie ang post ni Trina patungkol sa pinagdaanan niya noong 2022.

Nabanggit niya ang isang lalakeng inakala niyang magtataguyod sa kanilang mag-ina subalit iyon pala umano ang siyang iiwan sa kanila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel